Lumaktaw sa pangunahing content

HALIMBAWA ng SIMUNO AT PANAGURI | Sa Mapanakit na Paraan!

Paano daw bumuo ng pangungusap? tanong sakin ng estudyante ko, kaya naman dali-dali kong tinugon ang Simuno at Panaguri, kaso tinanong ulit sakin kung ano daw ba ang Simuno at Panaguri, jusko, at dahil nandito ka na rin na mambabasa para sa halimbawa ng Simuno at Panaguri, p'wes isasabay na natin yan ora mismo seniorita/senior!



    MGA HALIMBAWA NG SIMUNO AT PANAGURI


    • Ako lang to, yung inaantok sa umaga, inaantok sa tanghali at di maka tulog sa gabi.
    • Sa magkakapatid merong mabait, mapagbigay, kuripot at madamot.
    • pinakilig pero di jinowa 

    Hindi mo maintindihan? Halika't tignan natin ang kahulugan nito sa baba!


    Kahulugan ng Simuno At Panaguri


    Kahulugan ng Simuno

    • Ang Simuno ay ang bida sa kuwento, maaring ito ay tao, lugar, hayop o kaganapan, s'ya ang sentro o pinag-uusapan sa isang pangungusap. 

    Kahulugan ng Panaguri

    • Ang Panaguri naman ay patungkol sa kung anong ginagawa o nilalaman ng Simuno natin sa pangungusap. 

    Ngayon balikan mo ang mga halimbawa sa taas, bibigyan kita ng oras, 


    at ulit-ulitin mo...



    hanggang maisip mo, na wala talagang kayo :(

    halimbawa ng simuno at panaguri



    Mga uri ng Simuno at Panaguri


    Mga Uri ng Simuno

    Paksang Pangngalan

    a. Nagsulat ng kanta ang r&b king.
    b. Naghihintay ng pagkain ang mga guro.

    Kapag sinabi mong pangngalan, ito yung mga salita para kilalanin ang isang tao, lugar o bagay. Sa halimbawa ay kinilala natin bilang "guro" ang taong tinutukoy. Kumbaga, parang s'yang label, di ba? kung anong estado mo sa buhay? Kung sino ka ba sakanya? kung bakit ka nagseselos? 

    Ayusin mo desisyon mo sa buhay teh, wala ka namang label eh.



    Paksang Panghalip

    a. Kami ay magte-ten years na.
    b. Sila ay gumagawa ng di makatotohanang tsismis.

    Ang panghalip na salita ay pamalit sa pangngalan, instead na sabihin ko ang pangalan naming dalawa sa pangungusap bilang paksa ay pwede itong palitan ng "Kami"... o sila :(


    Paksang Pang-uri

    a. Hinahangaan ang mga magagaling.

    Kapag sinabing pang-uri, alam na nating lahat ang kahulugan nito -paglalarawan sa tao, bagay, hayop o lugar. Sa halimbawa natin ay inilarawan natin ang paksa bilang magagaling. Kung ilalarawan ko ang sarili ko, maganda ako. (Walang kokontra)


    Paksang Pang-abay

    a. Hinahangaan ang mga magagaling magtank.
    b. Yung mga estudyanteng nandito ay maghintay muna sa labas.
    c. Yung mga estudyanteng nandun ay mag-exam na.


    Ang paksang pang-abay ay pagbabago o pagpapasarap sa paksa. 

    Estudyante (pangngalan) + nandito (panghalip), sa pamamaraan na ganito ay mas lalong nabibigyan ng sapat na impormasyon ang pangungusap. Isa pang halimbawa ang pagpapasarap gamit ang pang-uri.
    • Estudyante(pangngalan) + matatalino(pang-uri) = Estudyanteng matatalino. 
    Kung gagamitan natin ng paksang pang-abay ang sarili ko. Sasabihin kong isa "akong magandang dilag..." pero pinagpalit sa kumakaldag.

    Paksang Pandiwa

    a. Wag mong trashtalkin yung mga nagtatank.
    b. Mahuhusay ang mga nagta-turtle objective.

    Alam na siguro ng lahat ang pandiwa, pero sa mga di pa nakaka-alam, ito ay kilos tulad ng pag-iigib, pagluluto at iba pa. Sa paksang pandiwa pinagsama ang paksa at pandiwa. "Nagtatank" means "Taong nagsasagawa ng tank role". 

    Kung nababasa mo 'to, oras na para magadjust ka, wag puro angela.

    Paksang pawatas o batayan ng wika

    • Hilig nya ang mangtroll
    • Kinatutuwa nya ang mangasar.
    Papuntang paksang pandiwa ang paksang pawatas. Parang slight lang. Kasi sa madaling salita, magiging batayan o pagbeysan s'ya ng pandiwa.
    • Mang-asar (Pawatas)
    • Nang-aasar (Pandiwa)
    Ngayong natapos na tayo sa Simuno, dumako naman tayo sa mga uri ng Panaguri, kukulayan natin ng red ang simuno o paksa at blue naman sa panaguri. Sobrang bilis lang di ba?

    Mga Uri ng Panaguri


    Panaguring Pangngalan

    a. Patungkol kay Binibining Klay ang tsismis nila. 
    b. Ang ibon ni Pedro.

    Sa panaguring pangngalan, lahat ng panaguri natin ay isang pangngalan :

       (Pangngalan)             (Pangngalan)
    1.     Si Juan            ay             Singer.

        (Panghalip)             (Pangngalan)  
    2.     Siya                 ay           si Juan.

          (Pang-uri)                   (Pangngalan)
    3.    Ang Pogi         ay             si Juan.

             (Pandiwa)             (Pangngalan) 
    4.  Ang kumakanta ay  si Juan.

                       (Pang-abay)    (Pangngalan) 
    5. Ang kumakanta ng mabagal   ay   si Juan.

               (Pawatas)               (Pangngalan)
    6. Ang kumanta ay trabaho ni Juan.

    Tandaan : Ang Simuno o Paksa ay kinulayan natin pula, at asul naman ang panaguri!

    Panaguring Panghalip

    a. Sya ang leader ng voleyball team
    b. Kayo ang aming inaasahan sa hinaharap.


    Sa panaguring panghalip, lahat ng panaguri natin ay isang panghalip :

      (Pangngalan)         (Panghalip) 
    1.     Si Juan        ay         siya.

       (Panghalip)      (Panghalip) 
    2.      Siya         ay       siya.

        (Pang-uri)     (Panghalip)
    3.  Ang pogi   ay    siya.

               (Pandiwa)    (Panghalip)
    4. Ang kumakanta ay siya.

                           (Pang-abay)   (Panghalip) 
    5. Ang kumakanta ng mabagal ay siya.

                (Pawatas)            (Panghalip) 
    6. Ang kumanta ay trabaho niya.

    STOP AND READ: Kung gusto mong malaman ang sikreto kung paano malaman agad ang simuno at panaguri sa isang tingin lamang, at bakit minsan nababaliktad ito, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa ^_^

    Panaguring Pang-uri

    a. Malinamnam ang nilagang itlog.
    b. Mainam ang mapag-isa minsan.

    Sa panaguring pang-uri, lahat ng panaguri natin ay isang pang-uri :

        (Pangngalan)      (Pang-uri) 
    1.       Si Juan         ay     Pogi.

         (Panghalip)      (Pang-uri) 
    2.       Siya          ay      Pogi.

        (Pang-uri)         (Pang-uri) 
    3.  Ang pogi    ay     masarap.

                    (Pandiwa)     (Pang-uri) 
    4. Ang kumakanta   ay    Pogi.

                            (Pang-abay)  (Pang-uri) 
    5. Ang kumakanta ng mabagal ay   pogi.

                            (Pawatas)   (Pang-uri) 
    6. Ang mahilig kumanta   ay  pogi.


    Panaguring Pandiwa

    a. Naglalaro siya.           
    b. Naglalaba siya ng damit.        

    Sa panaguring pandiwa, lahat ng panaguri natin ay isang pandiwa :

         (Pangngalan)          (Pandiwa) 
    1.       Si Juan          ay   kumakanta.

       (Panghalip)        (Pandiwa) 
    2.      Siya        ay   kumakanta.

        (Pang-uri)         (Pandiwa) 
    3.  Ang pogi   ay   kumakanta.

                  (Pandiwa)          (Pandiwa) 
    4. Ang kumakanta ay sumasayaw rin.

                             (Pang-abay)    (Pandiwa) 
    5. Ang kumakanta ng magabal ay sumasayaw rin.

                            (Pawatas)       (Pandiwa) 
    6. Ang mahilig kumanta ay sumasayaw rin.


    Panaguring Pang-abay

    a. Bukas ang alis ng mga basketball players.
    b. Ganito ang manlampaso ng mga trashtalkers.

    Sa panaguring pang-abay, lahat ng panaguri natin ay isang pang-abay :

         (Pangngalan)               (Pang-abay) 
    1.        Si Juan         ay kumakanta ng mabagal.

       (Pangngalan)                     (Pang-abay) 
    2.        Siya             ay kumakanta ng mabagal.

       (Pang-uri)                     (Pang-abay) 
    3. Ang pogi  ay kumakanta ng mabagal.

                 (Pandiwa)               (Pang-abay) 
    4. Ang kumakanta ay sumasayaw rin ng mabagal.

                 (Pang-abay)          (Pang-abay) 
    5. Ang kumakanta ng mabagal ay sumasayaw rin ng bahagya.

                    (Pawatas)              (Pang-abay) 
    6. Ang mahilig kumanta ay sumasayaw ng mabagal.



    Panaguring pawatas o batayan ng wika

    a. Magbasa ng manga ang kinalilibangan ngayon ng mga kabataan.
    b. Mang-asar ang isa sa mga kalokohan ng mga lalaki.

    Sa panaguring pawatas, lahat ng panaguri natin ay isang pawatas :

       (Pangngalan)                    (Pawatas) 
    1.      Si Juan         ay mahilig kumanta.

       (Panghalip)                   (Pawatas) 
    2.     Siya         ay mahilig kumanta.

       (Pang-uri)                        (Pawatas) 
    3. Ang pogi     ay    mahilig kumanta.

                 (Pandiwa)               (Pawatas) 
    4. Ang kumakanta ay mahilig din sumayaw.
     
                   (Pang-abay)                (Pawatas) 
    5. Ang kumakanta ng mabagal ay mahilig din sumayaw.

                     (Pawatas)                 (Pawatas) 
    6. Ang mahilig kumanta ay mahilig din sumayaw.


    Ayos ng Pangungusap


    Ang sikreto sa pagkuha ng simuno at panaguri ay ang kaayusan nito at paggamit ng dugtong pandiwa.  
    • karaniwang ayos (Panaguri at Paksa).
    • Di- karaniwang ayos (Paksa At panaguri)  
    Gumagamit ng panandang "ay" ang Di-Karaniwang ayos. Palaging "ay" ang nauuna sa panaguri dahil ito ay pangdugtong sa kilos.

    a. Siya "ay" ---> Singer.

    Ibig-sabihin, "Singer" ang ating Panaguri dahil pinangunahan ito ng "ay".

    b. Singer si Juan.

    Wala tayong nakikitang "ay" sa halimbawang ito, ibig sabihin, Panaguri ang "Singer".

    Muli mong tignan ang mga halimbawa sa mga uri ng Simuno at Panaguri sa taas gamit ang kaalaman na 'to ^_^ 

    At I-comment sa baba kung trip mo pa ng ganitong stilo ng pagtuturo, salamat po :)

    Summary

    Maliban sa mga astig na Halimbawa ng Simuno at Panguri, Inalam din natin ang mga uri nito:
    • Paksa at Panaguring Pangngalan 
    • Paksa at Panaguring Panghalip  
    • Paksa at Panaguring Pang-uri 
    • Paksa at Panaguring Pandiwa 
    • Paksa at Panaguring Pang-abay  
    • Paksa at Panaguring Pawatas 
     





















    Mga Komento

    Kilalang Mga Post