Lumaktaw sa pangunahing content

10 KAKAIBANG HALIMBAWA NG IDYOLEK |Wag na Wag mong Huhusgahan

Reading Time : 3 mins


Ang Idyolek sa madaling salita ay isang kakaiba at natatanging paraan ng pagsasalita ng isang indibidwal, kumpara sa dayalek na kung saan natatangi ito sa isang rehiyon. 

Maaaring gusto mo ng nuggets pero hindi sa same energy ng pagkakabigkas ng anak ni melay. May tono ang pagkakasabi at ibang iba ang delivery. May kanya-kanya tayong pamamaraan sa pagsasalita. Isa pang Halimbawa ay kung paano magsalita si Tatay Digong, mabagal ito at nakaka-intimidate. 

Umusbong ang impersonation o panggagaya ng idyolekto ng isang indibidwal dahil kakaiba ito at nakakatuwa. Kaya naman wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, ito ang 10 Kakaibang Halimbawa ng Idyolek na wag na wag mong huhusgahan!


    10 HALIMBAWA NG IDYOLEK


    1. Pagbanggit ng "R" 


    May mga indibidwal na hirap magbigkas ng mga salitang naglalaman ng "R", tulad na lamang ng "Eroplano" -> "Eryoplano". 

    Halimbawa ng Idyolek

    Kung iniisip nyo na sa mga bata lang ito nage-exist, dyan ka nagkakamali dahil kahit mga matatanda ay mayroon paring kaso nito.



    2. Hindi paggamit ng mga Bantas tulad ng "," o kuwit


    Kahit na alam ng isang tao ang gamit ng kuwit bilang panandaliang pagtigil ng mga salita ay hindi nya 'to ginagamit sa kanyang pagsusulat. Kung tatanungin mo ko ay hindi ko din alam.


    3. Labis na pagmumura


    Kadalasan sa isang taong kulang sa vocabulary ng pang-uri, pinapalitan nila ito ng pagmumura. 

    Halimbawa ng Idyolek

    O hindi naman kaya, ginagamit nila ito upang mas ma-abot nila ang damdamin ng tao. Mapapansin mo din ito sa mga partikular na politiko at mga ibang komedyante. 


    4. Pagpili ng salita


    May mga iba't ibang paraan ang isang tao para sabihin ang kanilang iminumungkahi. Halimbawa na lamang nito :

    Halimbawa ng Idyolek

    • Napaka-ganda ng buwan singganda mo. 
    • Napaka-angas ng buwan. 
    • Napaka-lupit ng buwan. 
    • Bilog na bilog ang buwan parang mukha mo. 
    • Buwan 'O buwan sana maabot kita balang araw.


    5. Pagbaliktad ng salita


    Mas nakaka-offend yung pangalawang Halimbawa pero parehas lang naman sila.

    • Pangit ka pero buti nalang maganda ang boses mo.
    • Maganda ang boses mo pero pangit ka.

    Halimbawa ng Idyolek


    8. Idyolek ng mga vlogger o artista sa kanilang viewers


    Nagmumula ito sa isang mannerism ng vlogger tulad ng "Guys" na paulit-ulit mong naririnig sa isang video. Ito pa ang mga ibang Halimbawa:

    Halimbawa ng Idyolek

    • Pupunta naman tayo dito sa *insert place*
    • So Ayun nga ano
    • Basically
    • Actually
    • Wow Napakaganda 


    7. Pagpalit ng Z sa S


    Di ko alam kung lasing sila o hindi pero wag po natin sila huzgahan.

    Halimbawa ng Idyolek

    •  Ala-saiz na pre. 
    •  Senzya na ah


    8. Mga CAPSLOCK sa pagcha-chat


    Ang Capslock ay matatanaw sa iba't ibang uri ng tao, maaaring naimpluwensyahan sila ng 20% ng mga kapatid o kilala. May mga kaso din ng capslock kapag galit ang mga babae na animo'y hindi uso sakanila ang paggamit ng exclamation mark.

    Halimbawa ng Idyolek

    •  BAKIT KA BA GANYAN?
    •  MAGHIWALAY NA TAYO


    9. Sigih!


    May mga kaibigan tayong napapalitan nila ang "i" ang "e" kapag binibigkas ang sige. Pero kahit ganun, ito ang pamamaraan nila para ma-iexpress ang kanilang pagkasabik.

    •  Sama ka mamaya?
    •  sigiihhh!


    10. Sadboi Manipulator

    Sa dami nila ay parang pwede na itong gawing sosyolek, kaso pumapasok parin ito sa idyolek dahil hindi naman sila kinikilalang grupo at tanging nagbunga lamang ito sakanilang mga sarili at hindi inimbento o ipinanukala. Ang mga halimbawa ng sadboi ay ang pagpili ng mga pangungusap kung saan napupunta ito sa kalungkutan.

    Halimbawa ng Idyolek

    • Ok, lang sanay naman na ako
    • Nasa inyo yan kung titirhan nyo ko ng ulam


    KAHALAGAHAN NG IDYOLEK


    Ang idyolek ay maituturing na kayamanan ng isang tao dahil ito ang kanyang personalidad na hindi maitatangay ng iba sakanya. Maraming taong nag-nanais na maging orihinal. Sa mundo na puro panggagaya, Idyolek ang kaisa-isang orihinal na maihahambing mo sa isang fingerprint. 

    Halimbawa ng Idyolek

    Mahalaga ang Idyolek sa entertainment industry tulad na lamang ng kwento ng isang homeless guy sa US na ginawang radio host dahil sakanyang tono at lalim ng pagsasalita. At kung high-pitched ka, napakahalaga nito sa voice over ng cartoons at iba pang larangan tulad ng pag-aartista. Dahil kailangan ng napakadaming barayti ng idyolek para maisalamin ang mga karakter sa isang palabas o pelikula.


    MATATANGGAL BA NATIN ANG IDYOLEK NG ISANG TAO?


    Mahirap ng tanggalin ang isang partikular na Idyolek dahil simula paglaki natin ay kasabay na natin ito. Para mong inaalis ang isang dayalekto ng tao. 

    Halimbawa ng Idyolek

    Pero sa pamamagitan ng pagbabago ng kapaligiran, tulad na lamang na pagpunta sa ibang bansa ng mahabang panahon, ay maaring matanggal at mapalitan. 



    PAANO NAGKAKAROON NG IDYOLEK ANG ISANG INDIBIDWAL?


    Ang idyolek ay nakabase sa :

    • kung paano at saan lumaki ang isang tao
    • Kasama sa bahay
    • kung ano ba ang kanyang interes o trabaho
    • Impluwensya tulad ng mga pinapanood na palabas
    • Napag-aralan at nabasa

    at marami pang iba.

    Halimbawa ng Idyolek

    Nahalo-halo ito hanggang sa nakapag produce ng kakaibang katangian at espesyal na pamamaraan kung paano mag deliver ng speech, grammar at vocabulary na pipiliin.



    SUMMARY 


    Ito ang 10 Halimbawa ng idyolek na wag mong huhusgahan :

    1. "R"

    2. Kama o kuwit ,

    3. Labis na pagmumura

    4. Pagpili ng Salita

    5. Pagbaliktad ng Salita 

    6. Idyolek ng mga vloggers

    7. Pagpalit ng Z sa S

    8. Mga CAPSLOCK

    9. Sigiih!

    10. Sadboi Manipulator


    Nabanggit din natin ang kahalagahan ng Idyolek dahil maituturing natin 'tong orihinal. Sana po natutunan natin ngayon ang idyolek at mas lawakan pa ang kaalaman sa wika, dahil isa ito sa magiging sanhi ng pagbabago.  


    If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!


    RELATED POST




    Mga Komento

    Mag-post ng isang Komento

    Kilalang Mga Post