Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
Uulan ng kahalagahan ang listahan na 'to kaya naman magdala ka na ng papel base sa kakailanganin mo at kunin ang paboritong ballpen, dahil alam kong nandito ka para matanaw ang mga nakakapanindig-balahibong kahalagahan ng wika at hindi ka namin bibiguin, you ask, we delivered!
7 KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Musika bilang Unibersal na Wika
Mapa-korean o French ay para bang naiintindihan natin 'to, binubura ng musika o awitin ang pader ng pagkakaiba-iba nating lahat. Kapag ang salita ay naging kanta tila ba'y nahihigop pa din natin ang emosyon base sa pitch, rhythm at tempo.
2. Pagsasayaw bilang Makasaysayang Wika
Hindi limitado ang Wika sa pagsasalita o sulat, kundi maari din magamit sa mga kilos tulad ng pagsasayaw. Napaka-halaga ng pagsasayaw dahil pinapadala nito ang kultura, emosyon, kwento at paglalahad ng makasaysayang sandali o pinaggalingan ng lugar.
Sa bawat enerhiyang binibigay ng sumasayaw ay mas Lalo nating nalalasap ang kagandahan ng bawat kultura na kung saan magbibigay ng inspirasyon na di lamang sa atin kundi sa buong sangkatauhan.
3. Matematika bilang Pinaka-mahalagang Wika, seryoso? Opo
Nagiging Wika ang isang bagay kapag ito ay may vocabulary, grammar at mga taong gumagamit na kung saan nagkakaroon ng pagkakaintindihan. Ngayon kung kahalagahan lamang ang pag-uusapan, matematika ang pinaka-mahalaga, pero mas mahalaga ka.
Pero seryoso, ung wala nito paano magkakaroon ng tindahan? Paano makukuha ang sukat ng Bahay? Paano natin malalaman kung gaano katagal ang isang tao para pumasok sa paaralan, at napunta na din tayo sa paaralan, paano kokompyutin ni teacher ang mga grades ng kanyang estudyante.
Lahat ng nakikita mo ay Matematika, ngayon, mag-isip ka ng kahit ano at ilagay mo sa comment, malamang ay merong kalkulasyon at sukat 'yan. Tama?
4. Sports o Laro bilang Unibersal na Wika
Tulad ng Musika, walang pinipiling tao ang sports, as long as iisa ang nilalaro nyong sports walang may pake kung anong Wika ang isinasalita mo dahil sa pamamagitan ng laro ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa.
Halimbawa nito ay ang mga import players na galing sa ibang bansa ngunit ang kanilang team ay mas Lalo pang nagkaroon ng matibay na pagsasama o chemistry. Mahalaga ang sports hindi lang sa katawan kundi sa pagsasagawa ng desisyon.
5. Programming bilang high demand na Wika
Programming ang isa sa pinaka mayamang industriya ngayon, sa pag-aaral ng Programming Language ay magkakaroon ka ng kakayahan makipag-usap sa isang kompyuter at gumawa ng sariling application.
Isa sa mga Halimbawa kung bakit mahalaga ito ay nakakausap mo ng maayos ang android system, sa bawat pag "tap" mo sa screen ay narerecord ito bilang coordination x at y, dito nalalaman ng cellphone kung tugma ang tinapik mong button sa isang software.
Malaya ang developer na magsagawa ng mga functions o behavior sa kung anong gusto nyang gawin na para bang Diyos. At dahil nandito na tayo sa technological age, ang wika na 'to ang may pinakamataas na demand sa lahat ng wika. Kung wala ito ay malamang wala tayong google search engine na pagtatanungan at mano-manong pupunta sa library, gusto mo ba 'yun?
6. Literatura o Panitikan
Dahil imposible ang time machine o makabalik sa nakaraan, literatura ang isang paraan para makapaglakbay sa kahit anong oras, nababasa natin at nararamdaman ang bawat titik dahil sa mahusay na pagsusulat ng mga author na kung saan nakatapak sa panahong gusto nating puntahan.
Gusto mo bang mapadpad sa miserableng panahon ng kastila sa pilipinas? Basahin mo ang Noli me tangere at El filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal. Tungo sa panitikan mas Lalo nating na-appreciate ang nakaraan at nabibigyang halaga ang kultura.
7. Drawing o Pagguhit bilang Visual Language
Karamihan sa'tin ay mas natututo kapag merong litrato sa isang impormasyon, gaya ng infographics o di naman kaya ng komiks/manga. Ang kahalagahan nito ay mas mabilis ang pagpapalaganap ng mensahe.
Ito ang pinaka-epektibong Wika, kung ikaw ay nagpapaliwanag sa isang tao, hindi sapat ang sulat o kilos, mas mataas ang chance na mas maalala ng tao ang isang bagay o kaganapan dahil sa drawing. Kung magaling ka magdrawing gamitin mo 'to para makapagbigay ng value sa lahat.
Summary
Ang kahalagahan ng Wika ay nagsisimula sa tao, ikaw mismo na nagbabasa. Kung nakakapagbigay ka ng benepisyo at nakakatulong hindi lang sa labas kundi sa sarili mo, maaring dahil yun sa Wikang ginagamit mo.
Yan man ay musika, pagsasayaw, Matematika, Sports, Programming, Literature o Drawing, kapag nagamit ng tama, tiyak na sobrang halaga nito sa bawat isa. Pero kung gagamitin mo sa masama ang Wika mas magandang ipa-rehab ka muna.
If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!
RELATED POST
- 143 Matatamis na HALIMBAWA NG PANGHALIP | NAKAKAKILIG MHIE
- 3 Tagong Halimbawa ng SANHI AT BUNGA na Walang Nagsabi Sa'yo
- 3 Dapat Mong Malaman sa Kung ANO BA ANG WIKA like LEGIT mhie
- 10 Kakaibang HALIMBAWA NG IDYOLEK |Wag na Wag mong Huhusgahan
- 8 Kakaibang HALIMBAWA NG SOSYOLEK|Wag na Wag mong Huhusgahan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Kilalang Mga Post
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
ang dami po nito THANKS!!!
TumugonBurahin