Lumaktaw sa pangunahing content

8 KAKAIBANG HALIMBAWA NG SOSYOLEK|Wag na Wag mong Huhusgahan

Reading Time : 3 mins

halimbawa ng sosyolek

Ang sosyolek ay barayti ng wika na kung saan ginagamit ng grupo o pangkat. At dahil nandito ka para alamin ang 8 kakaibang Halimbawa ng sosyolek, ibibigay natin yan ora mismo!


    8 HALIMBAWA NG SOSYOLEK


    1. Pagsasalita ng mga Weeb


    Ang weeb ay isang terminolohiyang ginamit na pang-aasar sa mga taong obsessed sa kultura ng japan, kahit na hindi naman sila mga hapon. Umabot na sa puntong ikinakahiya na nila ang sariling bansa at sana naging Japanese nalang daw sila. Aba, talaga namang tumataas ang blood pressure ko sa mga taong ito. Anyways, ang mga halimbawa ng mga weeb kung paano sila magsalita ay nandito sa mga sumusunod:

    Halimbawa ng Sosyolek
    •  Ako po si Juan desuuuu! (´・ε・`) (Ang desu ay gamit ng mga hapon sa dulo ng pangungusap bilang panggalang)
    •  Salamatsu! (-su, ito naman ay hulapi sa Japanese language)
    •  Hindi mo mahihigitan ang aking kapangyarihan bata 
    •  le weeb is arrive! (le naman ay nangangahulugan ng "The")


    2. Pagsasalita ng mga Kweeb


    Ito naman ang bersyon ng weeb pero sa pag-aastang koreano/koreana. Hindi lang ito basta-bastang panggagaya dahil halos ang iba sakanila ay magpapa-plastic surgery makahawig lamang ang mga iniidolo nilang artista sa Korea. Nakakatakot at nakakasagwa, yan ang mga reaksyon ng ibang tao sa korea. Ito ang mga Halimbawa kung paano sila magsalita :

    Halimbawa ng Sosyolek

    •  omma! oppa! penge bente (Mama at papa ang ibig nitong sabihin)
    •  Naadik ako naadik talaga ako sa app na 'to jusq! Shy shy shy ♥. Kyeoptaaa. (Kyeoptaa sa Ingles ay "That's cute")
    •  Tinawatag nilang ulzzang ang kanilang sarili na ibig sabihin ay "Best face".


    3. Konyo


    Syempre hindi mawawala sa listahan natin ang konyo. Alam naman nating lahat ang ibig sabihin nito na kung saan hinahaluan nila ng ingles ang tagalog. 

    Halimbawa ng Sosyolek

    •  Sheeeeeesshhh! shawty paa--reeh! (Shawty means magandang babae)
    •  That's lit bro, We're here na malapit sa intersection. (Lit means excellent)
    •  Nabasa mo na ba yung El feels ni Jriz? (El feels ay El filibusterismo at ang Jriz ay Jose Rizal)


    4. The Cryptocurrency Cult and Guru


    Ito yung mga klase ng tao na binubulag ang trading community sa pamamagitan ng mga technical na salita o jargon. Ito ang mga kanilang ginagamit na words para makapag benta ng affiliate at kung anu-ano.

    Halimbawa ng Sosyolek

    •  Kung mapapansin nyo dito sa MACD magkakaroon na sya ng cross-over.
    •  Mukhang nirerespeto ng coin na 'to ang price level na ginuhitan natin.
    •  Dito ang resistance at support, so bale bibili ka ngayon sa support.
    •  Guys kung may natutunan kayo, ay sumali kayo sa seminar namin at bilhin nyo 'to at I-type ang code na JUAN para makuha nyo yung 90% discount, ayos ba?


    5. Pagbaliktad ng titik


    Sa panahon ng teknolohiya bumalik ang pagbabaliktad ng titik tulad na lamang ng petmalu, werpa at lodi na talaga namang pumatok at naging sosyolek. Matagal na itong nauso at ngayon ay bumabalik, isang natural na pangyayari sa wika ang lumangoy sa daloy ng oras. Ang mga Halimbawa nito ay:

    Halimbawa ng Sosyolek

    - Dehins ako marunong (Hinde)

    - Eguls tayo dito pare (Lugi)

    - Alaws na pera (Wala)

    - Repapips (pare)

    - Olats ah (Talo)


    at ito ang pinakabago sakanila


    - sa wakas kita ko na SALAMAT NOONIGNAP (Panginoon)


    6. Kanto o street language


    Ang salitang kanto ay mga salitang balbal na madalas maririnig mo sa mahihirap o proletaryado tulad ng bardagulan na ibig sabihin ay patalinuhan ng mga banat o linya sa isa't-isa. Ito ang mga iba pang Halimbawa :

    Halimbawa ng Sosyolek

    •  Atat ka masyado (Atat means nagmamadali)
    •  Bad-trip na mga estudyante (Nakaka-inis or asar)
    •  Nandito na kaming magbabarkada (Ang ibig sabihin ng barkada ay magkakaibigan)
    •  Tama na yan chibugan na. (Chibog means kain)


    7. Medical Jargons


    Mga jargon ay mga salitang nagmumula sa isang propesyon tulad ng pagdodoktor or nars. Ito ang mga Halimbawa ng mga terminolohiyang ginagamit nila.

    Halimbawa ng Sosyolek

    •  Selula (Cells)
    •  Reseta ng doktor (Prescription ng doktor)
    •  Nakunan (Pregnancy Loss) 
    •  Mikrobyo (germs/virus/bacteria)


    8. Gamer!


    Kung isa kang gamer malamang ay napakadaming salita na kayo-kayo lang ng mga kalaro mo ang nagkakaintindihan, ngunit sa lawak ng komunidad ng mga gamers ngayon, tiyak na isa na itong sosyolek na lumalaganap ng hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo. Ito ang mga halimbawa!

    Halimbawa ng Sosyolek


    •  AFK na naman kakampi (AFK means away from keyboard na ibig sabihin ay umalis ang player o nagoffline)
    •  AoE dmg yang skill 1 nya. (AoE means Area of effect, ito ay kapag malawak ang nasasakupan ng skill kung saan dalawa o mas marami pa ang matatamaan ng pinsala)
    •  Mga bot kalaban (Bot means AI or computer, ibig sabihin ay hindi tao ang nagpapagalaw sa isang partikular na karakter kundi isang kompyuter)



    Kahalagahan ng Sosyolek 


    Mahalaga ang sosyolek dahil binubuo nito ang pagsasama ng isang grupo. Kapag ginaya mo ang pananalita nila, mas gagaan ang mood at iisipin nilang isa ka sakanila. Nagkakaroon ng sense of unity. Kung wala ito hindi mo malalaman kung sino sa sino at ano sa ano. 



    Summary


    Sosyolek ang stilo ng pagsasalita ng isang grupo para magkaroon ng pagsasama at distinction sa iba. Ito ang 8 Halimbawa ng sosyolek!


    1. Weeb

    2. Kweeb

    3. Konyo

    4. The Cryptocurrency Cult and Guru

    5. Pagbaliktad ng titik

    6. Salitang kanto

    7. Medical Jargon

    8. Gamer!


    If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!


    RELATED POST

    Mga Komento

    Mag-post ng isang Komento

    Kilalang Mga Post