Lumaktaw sa pangunahing content

HALIMBAWA ng SANHI AT BUNGA | na Walang Nagsabi Sa'yo

Reading Time : 3 mins


Maraming nagtatanong sa'kin tungkol dito, mapa-guro, estudyante, or out of curiosity lamang. Kaya naman ngayon, hindi lang kita bibigyan ng mga nakakapanindig balahibo na ideya at mga halimbawa ng sanhi at bunga kundi sasaliksikin natin at sisisirin kung anu-ano nga ba ang dapat mong malaman tungkol dito.

    Kahulugan ng Sanhi at Bunga

    Sa pagsusulat ng isang writer, ang sanhi at bunga ay isang pamamaraan upang mabigyan ng bugso ang talata o sanaysay na kung saan magbibitaw ito ng " kilos, kaganapan o desisyon" at magkakaroon ng tiyak na "kahihinatnan". 

    Halimbawa ng Sanhi At Bunga
    Napaka-daming paraan upang magamit ang sanhi-at-bunga, pwedeng I-arrange ito ng magkabaliktad o 'di naman kaya unahin sa kung ano nga ba ang mas importante.


    Halimbawa at Konsepto ng Sanhi at Bunga


    1. Halimbawa

    “I have had to believe a great deal in God because I have lost my belief in men.” (Jose Rizal, Noli Me Tangere, p.221)

    Halimbawa ng Sanhi At Bunga

    Sinabi ito ni Elias na siyang nakakapagpabagabag na karakter sa Noli Me Tangere, isang misteryoso at nakakapang-akit na linya.

    The picture is from the official Tumblr page for The Social Cancer. Developed by the Bangkeros for their thesis, the Social Cancer is a visual novel adventure game based on the Noli Me Tangere


    Logical statement 

    I have to "y" because of "x".


    Explanation 

    Kung mapapansin ninyo, mas naunang nagamit ni Rizal ang "bunga" sa pangungusap kaysa sa "sanhi", upang mas mabigyang diin ang kahihinatnan ng desisyon ni Elias. 

    Para mas Lalo pa nating maintindihan, gamitin natin ang logical statement na kung saan ang Y ay bilang "bunga" at ang X naman bilang "sanhi". 

    •  Kailangan ko ng mag-saing ng kanin (y) dahil gabi na (x). 
    •  Kailangan ko ng gumawa ng assignment  (y) dahil wala ng oras (x).


    Ngayon, dumako naman tayo sa pangalawang halimbawa!



    2. Halimbawa

    "Ang hindi sumunod sa utos ng punong heneral ay tatanggalan ng ranggo at ipapapatay ng walang paglilitis sa hukumang militar." (Heneral Luna Film, Artikulo Uno)

    Halimbawa ng Sanhi At Bunga

    Galing ang linyang 'yan sa movie na Heneral Luna, na ginamit bilang artikulo uno. Mukang hindi mo magagamit ang example na 'yan sa mga bata dahil masyadong marahas, pero susuriin natin ang logic behind it at gagawing mas malambot.


    Logical statement

    If "x" then "y".


    Explanation  

    Kung titignan nating mabuti ay isa itong conditional statement na kung saan ang "x" ay sanhi at "y" ang bunga.

    • Kung hindi ka papasok sa eskwela (x) ay wala kang matatanggap na regalo mula sa'kin (y).
    •  Ang walang maisa-submit na assignment (x) ay babagsak sa subject na 'to(y).

    Sa bawat kilos, kaganapan o desisyon natin sa buhay ay may kaakibat na kahihinatnan o resulta.



    3. Halimbawa

    Within 10 seconds of your first puff, the toxic chemicals in tobacco smoke reach your brain, heart, and other organs. Smoking harms almost every part of your body and increases your risk of many diseases. Smoking also affects how you look and feel your finances, and the people close to you. ("What are the effects of smoking and tobacco?", health.gov.au)

    Halimbawa ng Sanhi At Bunga

    Sa isang research marami ka ring makikitang sanhi at bunga sa loob ng mga talata. Tulad na lamang ng example na yan at iba pa, tulad ng "The effects of gaming to children."


    Logical Statement 

    x causes y and x also causes z according to research.


    Explanation 

    Kung may nakikita kang problema o isang oportunidad na kaya mong sagutin, malamang gagawan mo ito ng pag-aaral at gagawa ng isang documentation para dito. Sa isang sanhi, napakadami nitong bunga, tulad na lamang ng paninigarilyo, hindi lang katawan mo ang may kalalagyan kundi maapektuhan mo din ang mga tao sa paligid mo.

    • Umutot si Juan, kaya naman gumaan ang pakiramdam nya(Internally)
    • Umutot si Juan, kaya naman nilayuan sya ng mga kaklase nya. (Externally)

    Hindi lang iisa ang magiging kahihinatnan ng isang tao, bagay o hayop sa pamamagitan ng isang rason. Vice versa.



    Connector ng Sanhi at Bunga


    Sa bawat sanhi at bunga may tinatawag tayong connector, nandyan ang "Sapagka't, dahil dito, bilang resulta, kaya naman". Ginagamit ito pang dugtong o bridge ng sanhi papunta sa bunga para magkaroon ng magandang daloy upang sagayon hindi magmukang pilit ang isang pangungusap, talata o sanaysay.

    Halimbawa ng Sanhi At Bunga



    Example 

    • Uuwi na ko, natapos ko na ang paglilinis ng classroom. (Wrong)
    • Uuwi na ko "kasi" natapos ko na ang paglilinis ng classroom. (Correct)


    • Napaka-ganda ng umaga "sapagka't" Nakita ko na naman ang kagandahan ni Binibining Klay.
    • Umuulan na naman, "kaya naman" hindi ako makakapag-laba.


    Take note po, hindi lang natin 'to magagamit sa gitna kundi pwede rin sa unahan . Paki-basa ang mga sumusunod na halimbawa:


    •  "Dahil" sa kagandahan ng mga teacher natin, marami na ang pumapasok sa school.
    •  "Simula" nung dumating ka, nagbago na ang buhay ko.


    •  Earth ang planetang tinitirahan natin. Ito ang pangatlong planeta sa walong planeta at pang lima sa pinaka-malaki. Ito lamang ang planetang kayang mabuhay ng isang tao at iba pang species. "Dahil" ang mga essential substance tulad ng hangin, tubig at lupa ay nandito para alalayan ang buhay. Ang earth ay gawa sa bato at meron ng edad na 4.543 billion.

    Mabisang sangkap ang connector para maitahi ang mga bawat salita.


    Kahalagahan ng Sanhi at Bunga

    Imaginin mo nasa mundo ka kung saan walang dahilan ang mga nangyayari, edi para tayong naka-pause sa isang movie. Kaya naman mahalaga ang sanhi at bunga dahil dito gumagana ang mga bagay-bagay.


    Buod o Summary

    Mahalagang tukuyin ang logical statement ng mga pangungusap, talata, o sanaysay, dahil dito natin matutukoy ang structure kung paano sila nabuo. Ang logical statement ay paggamit ng variable pamalit sa dalawang bagay na maaring maiba-iba, na kung saan ipinasok natin ang sanhi at bunga bilang variable x at y.

    Nabanggit din natin ang connector upang mas maging smooth ang isang pangungusap gaya ng, "Sapagka't, dahil dito, bilang resulta, kaya naman".



    If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!


    RELATED POST




    Mga Komento

    Mag-post ng isang Komento

    Kilalang Mga Post