Lumaktaw sa pangunahing content

SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG

 Reading Time : 3 mins

solicitation letter for basketball

Tuwing may paparating na laro o tournament ng basketball ay kailangan talaga ng mga kagamitan tulad na lamang ng basketball uniforms. 

Sa isang banda, napakadaming scammer na ginagamit ang solicitation letter for basketball para manlinlang ng mga tao. Kaya naman wag na wag po natin kakalimutan ang maglagay ng contact sa liham! 

Teka, paano 'yun? sakaling itanong mo. Tignan mo ang Halimbawa ng pagbibigay ng contact info sa baba na ating kinulayan ng blue :


(Date)

Recipient's Name

Recipient's Address


Subject : A solicitation letter regarding _____



Iginagalang naming _________,



STOP AND READ : Kung nagtataka po kayo kung bakit walang nilalaman na nakapaloob dito, ay isinulat po namin ito ng magkahiwalay para hindi magulo, kaya naman po keep reading lang hanggang sa dulo and enjoy!


Kung mayroon po kayong katanungan tungkol sa liham na ito ay maaari niyo pong tawagan ang aming numero: 09123456789 o kaya maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming e-mail: xyz@gmail.com.


Marami pong Salamat.


Lubos na gumagalang, 



Ngayong nasabi na natin ang kahalagahan ng contact information, ilahad na natin ang 3 Proven Solicitation Letter for basketball na makakapagkumbinsi ng sponsor agad-agad!


    3 SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL


    Sample 1 - Pagsagawa ng basketball league 


    Ang barangay San Juan po ay magsasagawa ng (Name of the basketball event) na gaganapin sa Piesta ng San Juan bilang isang bahagi ng kaganapan. 

    Hindi lang po ito magbibigay ng sportsmanship sa mga kabataan o di naman kaya pagpapalakas ng katawan at mentalidad kundi magandang rason ito upang mapalayo ang ating mga kabataan sa masamang droga.

    Alinsunod po dito ay humihingi po kami ng suportang pinansyal para sa mga pa-premyo, thropies at mga iba pang kakailanganin sa naturang kaganapan. Anumang halaga ang inyong ibigay ay papahalagahan namin ito. Ito ay magiging malaking tulong sa liga.


    Note: Kung nagtataka po kayo kung para saan ang mga kulay ng mga sulat ay ipinaliwanag natin ito sa baba after ng sample 3, keep reading and enjoy!



    Sample 2 - Pagsali sa isang basketball tournament


    Ang aming (name of org) ay lalahok sa gaganaping (Name of tournament) sa (Lugar ng kaganapan) mula (Starting date) hanggang (Ending date). 

    Ang layunin po namin ay ang mag-uwi ng karangalan sa ating minamahal na barangay. Ang amin pong basketball team ay nakapagpanalo na ng mga iba't-ibang torneyo tulad ng (Magbigay ng sinalihan). Kaya naman po malaki ang posibilidad na makamit namin ito kung mayroon lamang po kaming sapat na kagamitan.

    Alinsunod po dito ay humihingi po kami ng suportang pinansyal mula sainyo para sa suplay ng pagkain, uniporme, at mga equipments na kakailanganin sa aming paghahanda ng (Ilang buwan?). Nangangailan po kami ng dalawang milyon mula sainyo. Ito ay magiging sapat na tulong sa aming (name of org).



    Sample 3 - Pagsali sa ibang bansa


    Ang aming (Name of org) ay lalahok sa internation league (Name of tournament) na gaganapin sa US mula (Starting Date) hanggang (Ending Date). 

    Ang layunin po namin ay ang mag-uwi ng karangalan sa ating minamahal na bansa. Ang amin pong basketball team ay nakapagpanalo na ng mga iba't-ibang torneyo tulad ng (Magbigay ng sinalihan). Kaya naman po malaki ang posibilidad na makamit namin ito kung mayroon lamang po kaming sapat na kagamitan.

    Alinsunod po dito ay humihingi po kami ng suportang pinansyal mula sainyo para sa suplay ng pagkain, uniporme, at mga equipments na kakailanganin sa aming paghahanda ng (Ilang buwan?). Nangangailan po kami ng sampong milyon mula sainyo. Ito ay magiging sapat na tulong sa aming (name of org).



    ALALAHANIN  


    Kung mapapansin nyo po, nag uumpisa ang liham sa kung ano ang kaganapan, saan gaganapin, at kailan gaganapin. Kinulayan natin ito "Green" para mas Makita po ninyo. 

    At ang sumusunod na elemento naman ay ang pagbibigay ng layunin na kung saan kinulayan natin ng "Yellow". Ang mga Halimbawa nito ay "Mag-uuwi ng karangalan", "Pagpapalayo sa kabataan mula sa droga", "Pagpapatibay ng komunidad" o "Pagpapalakas ng katawan". 

    Isa pa, kung meron na po kayong pruweba na kung saan nakamit nyo na noon ang layunin, mas mabuting ilahad din po ninyo ito tulad ng "Nakapagpanalo na kami ng torneyo sa Basketball League sa Manila noong 2018 Basketball One Champ". Upang mas maging kapani-paniwala ito.

    At ang huling bahagi na kung saan kinulayan natin ng "blue" ay ang mga hinihingi ninyong pera at sa kung para saan ninyo ito gagamitin. Sabihin nyo po ito ng walang paligoy-ligoy para hindi magkaroon ng pagkakalito mula sa inyo at sa pinagpapadalahan nyo ng Solicitation Letter.




    Summary 


    Binigyang linaw natin ang halaga ng pagbibigay ng Contact information upang malaman at makumpirma ito ng ating pinagpapadalahan ng sulat kung ito nga ba ay scam o hindi. 

    Maliban dyan ay inilahad natin ang tatlong Halimbawa na ipinokus natin sa pagbibigay ng specific information sa kaganapan, layunin at huling bahagi kung para saan nga ba ang pera.

    Tandaan po natin, para mas makumbinsi natin ang taong pinagpadalahan ng liham, ay dapat mayroon na kayong pruweba na kayo ay nakapag-panalo na. Dahil sa mata nila ay isa itong Investment o puhunan. 

    Bakit sila magbibigay ng pera kung ang layunin nyo po ay hindi pa nakamit? at walang solid na rason o pag-aaral na ito nga ba ay sigurado? Upang makapag-kumbinsi po kayo, kunin niyo po muna ang kanilang tiwala. Tulad ng paulit-ulit na kasabihan "Idaan sa mga nagawa at hindi sa bunganga."




    Related Post





    Mga Komento

    Kilalang Mga Post