Posisyong Papel | Filipino sa Piling Larang (Malikhaing Portfolio)
Posisyong Papel
Nakaupo ka sa likuran ng isang klase sa socsci, sinusubukang mag-focus sa lecture, nang biglang nagbigay ng kontrobersyal na paksa ang prof nyo, tulad ng aborsyon, human rights, parusang kamatayan, o legalisasyon ng marijuana. Sigurado ako na mayroon kang posisyon sa bawat isa sa mga paksang ito.
Ang pag-alam kung saan ka naninindigan sa isang paksa ay isang mahalagang hakbang sa pagsulat ng isang epektibong posisyong papel, ngunit magandang ideya din na tingnan ang ilang mga halimbawa para lang makita kung ano ang itsura ng isang mahusay na pagkakasulat.
Pero bago yan tignan muna natin ang pagkakaiba ng talumpati sa Posisyong Papel.
Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel
Halimbawa ng Posisyong Papel
1. Maganda ba ang dulot ng Teknolohiya sa pag-aaral ng mga Estudyante
Posisyon : Sang-ayon sa Teknolohiya
Sa panahaon ngayon, hindi na lingid sa ating kaisipan ang kahalagan ng makabagong teknolohiya sa edukasyon. Isa na itong parte sa buhay ng mga tao lalo na sa mga kabataan sa henerasyon ngayon. Ang internet ay isang Sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang mg kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyo
Bilang isang Senior High na estudyante umaayon ako sa paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ng mg estudyante dahil unang una ito ay nakatutulong upang mas mapadali ang mga gawain ng mga estudyante sa pag- aaral. Sa tulong ng mga "gadget o computer" at internet mas nadadagdagan ang kaalaman ng estudyante tungkol sa kanilang aralin at pananaliksik. Ang makabagong teknolohiya ay nagiging daan rin upang makipag-ugnayan
Malaki ang malaambag ng teknolohiya at ng mga makabagong mga kagamitan dahil nakatutulong ito sa atin upang linangin at mas lalo pang pagyabungin ang mura nating kaisipan.
Kaya maganda ang dulot ng Teknolohiya sa aming mga mag aaral dahit dito mas pinadali lahat ng mga gawain at dahil sa Teknolohiya nagiging "advance" ang mundo.
2. ANO ANG DAPAT SUNDIN? UTAK O PUSO
Posisyon : Paggamit ng utak
Karamihan sa atin ay masyadong nagpapaapekto sakanilang nararamdaman na minsan ay nagdudulot ng labis na kalungkutan. Kadalasan ay puso ang kanilang mas pinapairal kaysa sa utak.
Ang puso at ang utak ay may kakayahan upang diktahan tayo. Ngunit ano nga ba ang mas dapat natin na sundin?
Sa aking opinion ay utak ang mas dapat natin sundin sapagkat sa panahon ngayon ay kailangan nating maging praktikal at maging aware sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang utak ang mas may kakayahang makatulong sa lahat ng desisyon natin.
Decision over emotion. Kadalasan ay sutil ang ating puso at maari itong magdulot ng ikakasakit ng kalooban natin. Kailangan nating mag isip muna bago gawin ang isang bagay dahil minsan ay hindi magandang ang sinisigaw ng puso natin ang ating sundin dahil hindi lahat ng sinasabi ng puso ay tama.
Kung puro puso lang ang gagamitin at hindi ka magiisip, bago mo pa malaman ay Nakagawa ka na ng bagay na maari mong pagsisihan sa kinabukasan. Ang pag gamit ng utak ay pagiging praktikal, at daig ng praktikal ang pagiging mapusok.
3. Pagpapatupad ng Death Penalty: Sang-ay
Isa sa pinakamainit na isyu ngayon ay ang tungkol sa pagpapatupad ng death penalty.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lang ang mga mambabatas kundi pati ang mga pangkaraniwang mamamayan.Ano nga ba ang death penalty?Ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 7659,sinasaad dito na ang death penalty ay pinapataw sa mga taong gumagawa ng heinous crime o karumal-dumal sa krimen tulad ng rape, murder, rid
Maraming nagsasabing ito ay epektibo at nakakatulong upang mabawasan ang krimen ng bansa at upang makamit ang kapayaan ng bansa ngunit marami din ang tumututol sa pagpapatupad nito at isa na ako sa libo-libong Pilipino na di-sumasang-ayo
Ang unang dahilan ay ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas, ayon nga sa sampung kautusan ng Diyos isa na dito ang “Huwag kang Papatay”.Pangal
Ang buhay ay hiram lamang sa maykapal at wala tayong karapatang kumuha ng buhay ng isang tao maliban sa Diyos.Hayaan natin ang Diyos na magparusa sa ginawa niya dito sa lupa dahil naniniwala akong hindi ito ang huling hatol maibibigay sa atin dito sa lupa ku di pati na rin sa Diyos.Kaya hindi ito ang sagot sa hustisyang nais makamtan ng pamilyang nawalan.Ayon sa pahayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na “Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos”.Ito ang kaniyang kaloob at siya lamang ay may karapatang bumawi nito.Kahit ang pamahalaan ay qalang karapatan na kumitil ng buhay dahil lamang sa mabigat na kasalanang nagawa at siya ay katiwala lamang ng buhay hindi ang magmay-ari nito.
4. TEENAGE PREGNANCY
Ang teenage pregnancy ay tumotukoy sa maagang pag bubuntis dahil sa kahalayan, sariling kagustuhan, kawalan ng kamalayan o pag bebenta ng laman. Naniniwala tyong mga kabataan sa katagang iniwan ni Rizal na, “ Ang kabataan ang pag asa ng bayan, “ngunit umiba na yata ang ihip ng hangin na habang tumatagal ay nawawala o malabo na yata ang hangarin nating mga kabataan na maging maunlad at isang matagumpay ang ating kinatatayuang bansa ngayon na sinasabing tayo ang susi sa tagumpay ng lahat. Nakakalungkot isipin na hindi marahil na tawagin pa tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan. Bihira na rin ang may pag mamahal sa bansa, edukasyon at mga pangarap.
Ang teenage pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa. Ito ay isang malaking health risk. Ang murang edad ng mga teenager ay hindi lamang na ngangahulogan na hindi pa sila hinog o tama ang pag iisip. Ang kanilang katawan ay hindi parin handa sa mabilis na pag babago na kaakibat ng pag bubuntis. Marami sa kanila ay nahihiyang mag pa check up, hindi maayos na nutrisyon at nahaharap sa rist na maternal death.
Tumataas nga ang bilang ng mga kabataan na maagang pag bubuntis. 89.2 porsyento na ang bilang ng ptegnancy rate of teenage noong nakaraang 2018. Ayun sa Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS), dalawa sa dahilan ng mga kabataang pag bubuntis ay pag kasira ng kanilang buhay at pamilya. Marami sa mga teenage mothers ay tumigil sa pag aaral, bago pa man mabuntis o habang buntis ay nahihirapan ng mag-aral pa o mag hanap ng kasanayan dahil sa kanilang bagong obligasyon. Nakakagulat sa datos ukol sa teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon sa 2018 datos ng Philippines Statistical Authority (PSA) kada oras 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers. Mga 14% ng mga Pilipina na may edad 15-19 ay buntis o di kaya mga ina na. Sa kasalukoyan parami na ng parami ang isyu tungkol sa “teenage pregnancy” o ang maagang pag bubuntis.kaya kailangan mag-ingat sa pag pili ng mga kinakasamang barkada, sila ang nag dudulot minsan ng ating ikakapahamak.
Kaya tyong mga kabataan ay may karapatan pra mabuhay ng maayos at malayang mag mahal ngunit may limitasyon pra mag mahal ng labis dahil maaring masira ang mga plano sa buhay ng isang kabataan ang maagang pag aasawa o pag kakaroon ng anak ng wla sa tamang edad.
Tayo na't magising sa katotohanan, mahirapang maging batang ina. Dagsa ang mga nakaabang na responsabilidad
5. Pagsuot ng School Uniform, Nararapat pa ba?
Sa pag anunsyo ni Department of Education(DepEd
Ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang estudyante dahil ito ay isang alituntunin o batas na ipanapatupad ng isang paaralan o unibersidad upang makilala ang isang institusyon. Ito ay nagpapakita ng pagiging maayos at disiplinado sa pagsunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan. Hindi tama na ipatanggal na lamang basta basta ang pasuot ng uniporme dahil marami itong benepisyo at napakahalaga ang pagsuot nito sa paaralan. Ano nga ba ang ilan sa aking dahilan kung bakit ako hindi sumasang-ayon sa hindi pagsuot ng uniporme ngayong SY 2022-2023?
Una, hindi maganda tignan kapag marami sa kabataang Pilipino ang pumapasok na hindi pare-pareho ang suot. Nagpapakita ito ng hindi organisado at walang pagkakaisa ang bawat estudyante. Pangalawa, ang kautusang ito ay bantas seguridad ng mga mag aaral. Hindi madaling makilala ang mga lehitimo at hindi lehitimong mag-aaral na pumapasok. Maaring pumapasok sila sa kadahilanang manggulo lamang, magnakaw ng mahahalagang gamit o hindi kaya ay makapagsamantal
Mahalaga ang pagsuot ng uniporme sapagkat ito ay sumisimbolo sa bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Sa pagsuot nito hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-uudyok upang maihanda ang sarili at isipan sa pag aaral. Kaya naman ang hindi required na pagsuot ng school uniform ngayong SY 2022-2023 ay hindi nararapat magpatuloy.
6. PAGPAPALAWIG NG FEDERALISMO SA PILIPINAS
Ito ay isa sa mga isyung pinag-uusapan ngayon.Ang FEDERALISMO ay isang sistema ng pamamahala Kung San ang bawat estado ay may sariling pamahalaan na may kalayaan mula sa central o Yong federal na pamahalaan.Bawa
Nakikita ang malaking pagbabago sa ating bansa sa pamumuno ng ating pangulo tulad ng pagbaba ng krimen tungkol sa illegal n drug Kaya Kung kami ang tatanungin sang-ayon kami sa pagpapalawig ng FEDERALISMO SA bansa dahil mas mapapadali ang produksyon at kalakalan sa buong bansa.At para sa batas naman mas mapapairal pa it ng mabuti dahil marami na ang nagpapatupad nito Kaya matatakot ang mga taong gumawa ng krimen o salungat sa batas.
Nakasalalay sa mga mamamayan ang pagbabago dahil ang gobyerno ang gumawa ng batas at tayong mga mamamayan ang nagsasakatupara
7. POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA BULLYING
Bullying ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming bata ang ayaw ng pumasok. Dahil sa mga pangungutya ng kanyang mga kaklase ay nawawalan na ito ng ganang pumasok sa araw-araw. Ito rin ang tawag sa hindi magandang asal ng isang tao. Paninirang puri, mananakit, pagiging siga, ilan lamang ito sa mga halimbawa ng bullying. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga kabataan lalo na sa loob ng paaralan. May mga batang iniisip na magiging sikat sila kapag sila ay nambully ngunit hindi nila alam na wala namang magandang maidudulot ito sa kanila, maaaring kapahamakan lamang ang maidulot nito kung ang masamang pag aasal na iyo ay pinagpatuloy.
Ayon kay Patriciaperol may tatlong uri ng bullying, sosyal na pambubulas, pisikal na pambubulas, at pasalitang pambubulas na kung saan ang sosyal na pambubulas ay isang uri ng pambubully kung saan sinisiraan nito ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima. Ang pisikal na pambubulas naman ay ang pisikal na pananakit at paninira ng kanyang pag-aari. At ang huli naman ay ang pasalitang pambubulas ito ay kung saan pasalita ang ginagamit ng bullies. Ito rin ay panlalait, pang-aasar, pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba pa.
Ang mga nakatatamo ng pambubully ay maaaring makaranas ng
depresyon, pagbaba ng tingin sa sarili, pagkawala ng gana sa lahat at kung minsan ay umaabot ito sa pagkitil ng kanilang buhay. Sinabi sa abs-cbn news, ayon sa isang abogado, nakasaad sa Anti-Bullying Act of 2013 ang mga tuntunin na dapat sundin ng tagapamahala ng mga paaaralan at maging ng mga magulang upang maiwasan ang bullying sa eskuwelahan. Sinabi naman ni atty. Castor “Itong batas na ‘to, ang kino-cover niya elementary at secondary, so definitely menor de edad ang pinag-uusapan natin…wala silang sinasabi na criminal liability,” kung kaya’t hindi pasok sa edad ng may criminal liability ang kadalasang mga sangkot sa bullying, at maaaring ang mga magulang ng mga ito ang mananagot sa batas. Posibleng maharap ang mga magulang nila sa kaso at pagbayarin ng danyos para sa perhuwisyo at pinsala na ginawa ng kanilang anak sa biktima.
Para sa aking pananaw ay napakalaking bagay ng batas na iyan sapagkat sa pamamagitan ng batas na yan at patnubay ng kanilang mga magulang ay mas mapapabilis ang pagsolusyon at pag tigil ng pag dami ng pambubully.
8. Posisyong Papel hinggil sa Kahirapan na Nagdudulot ng Child Labor sa Pilipinas
MGA HAKBANG NG ATING PAMAHALAAN UPANG MATULDUKAN ANG BILANG NG MGA CHILD WORKER SA PILIPINAS
Posisyong Papel na naayon sa International Labour Organization (ILO) Convention No. 182
Ang pagdami ng bilang ng mga nagtatrabahong bata o child workers ay indikasyon na lumalala na ang kahirapan sa ating bansa. Sa bawat sulok ng ating bayan, hindi natin maikakaila na talagang marami ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Sa murang edad ng mga bata ay nagbabanat na sila ng buto upang kumita ng pera na ipinangtutustos
Dalawa lang ang dahilan kaya dumadami ang bilang ng mga Child Laborers unang una ay ang kahirapan sa buhay at ang ikalawa naman ang kawalan ng trabaho ng kanilang magulang.
Ang mga batang ito ay kayod kalabaw. Sila ay makikita natin sa mga pabrika, sa construction sites, sa quarry, sa dagat, sa bahay, sa palengke, sa mga tindahan, taniman at sa mga tambakan ng basura. Mayroon din na mga bata ang nagtatrabaho sa mga minahan at minsan ay nasasangkot din sila sa isyu ng droga.
Sa mensahe ni Kalihim Judy M. Taguiwalo ng Department of Social Work and Development (DSWD) sinabi niyang upang matuldukan ang “Child Labor” ay kailangan ang komprehensibo at magkatuwang na aksyon para matulungan ang mga magulang ng mga batang napipilitang magtrabaho para makatulong madagdagan ang kita ng kanikanilang pamilya kahit pa man mapanganib ang trabahong susuungin.
Aniya, “Mayroon nang ginagawa ang pamahalaan upang ang mga magulang ng mga batang mangagawa ay mabigyan ng matatag na trabaho at ang mga gawaing ito ay kailangan ng karagdagang programa na makatutulong naman sa mga batang manggagawa.”
Sa tulong ng mga programang ipinapatupad ng ating gobyerno sana nga ay tuluyan ng matuldukan nito ang isyu ng child labor at sa halip ay makapasok at makapag aral na sila ng maayos. Sana ay mabigyan na sila ng kalayaan na maging masaya sa buhay habang sila ay bata pa. Dahil naniniwala ako na hindi ang pagtatrabaho ng mga musmos na bata ang solusyon sa hinaharap nating problema.
Sumasang ayon ako na dapat itong Matuldukan na ng ating pamahalaan dahil dumarami na ang mga batang maagang nag tratrabaho, mas inuuna nila ang mag trabaho kesa sa mag-aral ng mabuti para makatapos at makahanap ng magandang trabaho at kinabukasan para sa sarili nila. Mas mabuting matuldukan na ito ng mas maaga para mas maraming bata na din ang makapag aral ng mabuti at makapaglaro na naayon sa kanilang gusto, bilang isang bata karapatan nila ito. Sa pamamagitan ng tulong ng ating pamahalaan mas mababawasan o matutuldukan ang problema ng ating bansa sa child labor. Hindi lamang iyon ay mabibigyan din ng ating pamahalaan ang kanilang mga magulang ng trabaho, para sila ang magtrabaho para sa kinabukasan ng kanilang anak dahil tungkulin nila ito bilang mga magulang. Sa pamamagitan din ng mga programang isasagawa tungkol sa Child Labor ay tuluyan na ngang matutuldukan ang problema ng ating bansa.
Nararapat lang na matanggal na ang Child Labor sa Pilipinas dahil napapabagal nito ang pag-unlad ng ating bansa at pag-iisip ng Isang batang nagtratrabaho, Karapatan ng mga kabataan ang maging malaya sa kahit anong gusto nilang maging. Malayang makapag-aral at makamit ang kani kanilang pangarap sa buhay, Malayang makapag laro na walang tututol o walang mabigat na problema na kinakaharap sa kanilang buhay.
Bilang isang Kabataan tungkulin ko na makapag-aral ng mabuti na naayon sa aking gusto, at walang iniisip na problema upang tugunan ang pangangailangan
Nang dahil sa Child Labor din napipilitan ang mga kabataan na pasukin ang mga masamang bagay na ikakapahamak nila, katulad na lang ng pagbebenta ng droga at pagbebenta ng katawan na maaaring makaapekto sa kanilang mental na pag-iisip na maaring magdulot sa kanila ng pagtatapos sa kanilang buhay. Dahil hindi nila kinakaya ang kanilang trabahong papasukan at dahil sa kahirapan kaya nila pinipiling tapusin nang maaga ang kanilang buhay para wala na silang iisipin na problema at hindi na sila mamromroblema kung paano makakahanap ng kanilang makakain sa pang araw-araw. Kaya nararapat lang na matuldukan na ang Child Labor sa Pilipinas, para walang bata na ang gugustuhin na matapos ang kanilang buhay, magkanda kuba kuba sa pagtra trabaho at pagkaitan ng edukasyon na dapat nilang matutunan.
Pinagtibay ngayong Nobyembre 30 2022
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento