Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Sintesis | Filipino sa Piling Larang (Malikhaing Portfolio)
Sintesis
Sintesis ang pangalawang gagawin sa malikhaing portfolio para sa Filipino sa Piling Larang. Ang gabay na 'to ay kompleto at komprehensibo, mula simula hanggang dulo. Pag natapos mong basahin lahat, kaya mo ng gumawa ng ganito sa malupit na paraan. Tama na pagsasalita simulan na natin ang pagbuo!
Ano ba ang Sintesis?
Ang kahulugan ng sintesis ay pag-uugnay o pagtatahi ng mga iba't-ibang sulatin upang maintindihan ang kaalaman ng buo.
Ngayon, bago natin yakapin ang sintesis, dumako muna tayo sa katanungang "ano nga ba ang buod?" at ating ikumpara ito, tulad ng pagkumpara ng magulang mo sa'yo sa iba.
Ano ba ang buod?
Ang kahuluhan ng buod ay pagtatala tungkol sa narinig o nabasa, kabilang ang mga artikulo, balita, aklat, panayam, at higit pa..
Ano nga ba ang pinagkaibahan ng Buod at Sintesis?
Kapag sinabing gawan ng sintesis ang sources at pananaliksik, kadalasan ang manunulat ay nagsisimulang ibuod ng magkakahiwalay ang sources na parang may sariling mundo. Well sa buod, magkakahiwalay nga, dahil pagkatapos mong gawan ng buod ang unang key points ay pupunta ka naman sa susunod na talata. Which is, kabaligtaran nito ang sintesis.
Sa paggawa ng sintesis ay dapat pagsasanibin mo ang mga impormasyon na galing sa iba't ibang sanggunian o sources at dagdagan ng sariling pagsusuri sa panitikan o literatura. Ibig sabihin, sa bawat talata ay naglalaman dapat ito ng maraming sources at sanggunian, kasama ang sariling pananaw o boses.
Sintesis | Buod | |
---|---|---|
Pagsasama ng mga sources | Walang pagsasama ng sources. | |
Paglagay ng sariling pagsusuri at pananaw | Walang sariling pananaw dahil kung ano ang sinabi sa source ay yun lamang ang gagawin. | |
Mahaba | Maikli | |
Pagbuo ng bagong ideya | Walang babaguhin sa mensahe | |
MGA URI NG SINTESIS
SANLIGANG SINTESIS
Pagsasanib ng mga sanligang impormasyon (Background Information) tungkol sa isang paksa.THESIS-DRIVEN NA SINTESIS
Pagsasanib ng mga impormasyon galing sa pananaliksik upang makabuo ng bagong ideya.SINTESIS PARA SA PANITIKAN
Sa pananaliksik ito ginagamit upang makabuo ng isang pagsusuri sa panitikang ginamit. (Literature Review o RRL)Bakit ko kailangang gumamit ng Sintesis?
Sa reyalidad ng pagiging akademik lalo na kapag graduate ka na, pumapasok ka na sa mga usaping pangdalubhasa patungkol iyong larangan o kurso. Dahil dito, kailangan mong ipakita na kaya mong intindihin at ihalo ang pananaliksik sa usaping matatalino.
Sa paggawa ng sintesis ng isang pananaliksik, ipinapakita mo na kaya mong isama ang kasalukuyang impormasyon sa iyong larangan at dagdagan ito ng sariling interpretasyon at pagsusuri.
Dalawang Anyo ng Sintesis
NAKAPAGPAPALIWANAG NA SINTESIS
Idinisenyo ang sintesis na ito upang tulungan kang maunawaan kung ano ang mensahe ng sulatin nang mas mahusay.
ARGUMENTONG SINTESIS
Ito naman ang sintesis na kung saan ang may akda ay may layuning maglahad ng kanyang opinyon.
Anong mga hakbangin para makamit ang Sintesis?
Upang magawan ng sintesis ang isang pananaliksik sa epektibong paraan, unang-una basahin mo ng kritikal ang mga pananaliksik tungkol sa paksang iyong tinatalakay. Isang magandang paraan para isipin ang sintesis ay isipin ang awtor ng pananaliksik kung saan tinatalakay nito ang paksa sa isang research conference. Hindi nila sinasabi ng magkakahiwalay ang buod ng pananaliksik, kundi, ang usapan ay magiging dinamiko sapagka't ibinabahagi nila ang pagkakahambing at pagkakaiba ng kanilang napag-alaman. Habang ikaw ay nagsususulat ng pangungusap, magpokus ka sa bawat batuhan ng usapan ng bawat mananaliksik.Ito pa ang mga mahahalagang hakbang sa pagsususulat ng sintesis :
- Isipin kung anong anyo ang gagawin.
- Lagyan ng sanggunian ang mga balak mong isulat at i-tsek ito ng mabuti.
- Magplano kung ano ba ang magiging sistema o daloy ng sulatin. (pag-uusapan natin ito sa baba, tungkol sa stratehiyang pwede mo magamit)
- Gumawa ng Draft.
- Kasunod nito ay, isa-isahing isulat ang mga sanggunian.
- Ulit-ulitin ang pagsulat hanggang maging maayos.
Ano ang mga stratehiyang magagamit ko sa paggawa ng sintesis?
Ang susi sa mahusay na sintesis ay ang pagsasa-ayos habang ikaw ay nananaliksik at nagbabasa ng sources patungkol sa iyong paksa. Isang paraan para maisaayos ang iyong pananaliksik ay gumamit ng matris pangsintesis. Dito sa talangguhit ng matris pangsintesis, maitatala mo ang mga sources at pinaka-ideya ng paksa. Pag natapos, magbibigay ito ng biswal na representasyon ng iyong pananaliksik at matutulungan kang makita ang koneksyon ng mga sources.
Maliban sa matris, habang binabasa mo ng kritikal ang sources, tandaan ang mga sumusunod :
- Ang awtor ba, ay hindi magkasang-ayon sa isa pang awtor?
- Ang isa bang awtor ay pinalawak ang pananaliksik ng isa pang awtor?
- Ang mga awtor ba ay magkakasundo?
- Meron ba sa mga awtor ay naglahad ng bagong katanungan o ideya tungkol sa paksa?
Halimbawa ng Sintesis
Bagama't maaaring mapataas ng social media ang pag-katuto ng mag-aaral, ang mga problema ay lilitaw kapag ito ay isinama sa isang kursong pang-akademiko. Ang pag-aakalang pamilyar ang mga estudyante at sumasang-ayon sa paggamit ng ilang uri ng social media ay maaaring maging sanhi ng hindi sinasadyang problema sa mga tagapagturo lalo na sa pagbibigay ng mga resources o paghihikayat na kinakailangan para maalalayan ang paggamit nila nito (Cole, 2009; Väljata & Fiedler, 2009). Nalaman nina Arnold at Paulus (2010) na kahit na ginagamit ang social media para sa layuning pang-edukasyon, isinasama pa rin ng mga estudyante ang mga bagay na hindi naman tungkol sa kanilang kurso. Nangyayari ang mga hindi pang-akademiko na bagay, dahil sa pangunahing disenyo nito bilang kagamitang pakikipag-kaibigan (Lin et al., 2013). Dagdag pa rito, habang tumataas ang edad ng isang mag-aaral, tumataas din ang dalas nilang magtalakay ng hindi naman patungkol sa kanilang inaaral (Lin et al., 2013). Ipinahihiwatig nito na habang ang social media ay maaaring humimok ng mas malawak na pagtalakay sa nilalaman ng kurso, ang mga mas nakakatandang estudyante ay maaaring magsayang ng malaking oras kaysa sa mga nakakabatang estudyante na nakikibahagi sa mga hindi patungkol sa diskusyon. Ang social media ay maaari ring negatibong makaapekto sa GPA ng mag-aaral gayundin sa dami ng oras na ginugugol ng mga estudyante sa paghahanda para sa klase (Annetta et al., 2009; Junco, 2012b). Ang isang paliwanag para sa epekto na ito ay ang social media ay nagbibigay ng labis na pagpapasigla at samakatuwid ay maaaring makagambala sa mga mag-aaral mula sa pagkumpleto ng kanilang coursework (Hurt et al., 2012; Patera et al., 2008). Ang isa pang dahilan nito ay maaaring ang mga mag-aaral na gumugugol ng mas malaking oras sa social media ay maaaring nahihirapang balansehin ang kanilang mga online na aktibidad.
Selvaraj, Sara. (2013). IMPACT OF SOCIAL MEDIA ON STUDENT'S ACADEMIC PERFORMANCE. 2. 2319-90322319.
- Naglahad ng iba't-ibang resources sa talata.
- Nagbigay ng sariling pagsusuri sa paksa at bagong ideya sa skolar na usapin.
Katangian ng mahusay na Sintesis
- Naitahi ang mga talata at magkakaugnay ito, walang naiiba sa tema.
- Paggamit ng mga sources sa talata ng hindi pilit, wag yung para may mailagay lang.
- Paggamit ng stratehiya gaya ng matris pangsintesis.
Ano ang matris pangsintesis?
Ang matris pangsintesis ay isang talahanayan na magagamit sa pagsasaayos ng pananaliksik. Kapag nakompleto, nagbibigay ito ng biswal na representasyon ng mga pinaka-ideya na matatagpuan sa panitikan at dagdag pa rito, nagpapakita ito kung saan nagkapare-pareho ng mga ideya ang bawat awtor. Ang kompletong matris ay makakatulong na pagsama-samahin ang mga iba't-ibang sulatin.
Bakit kailangan gumamit ng Matris Pangsintesis?
Sintesis ang pinaka-importanteng bahagi ng akademikong pagsusulat, pero sadyang nakakalunod ito minsan at mahirap ipanatiling maayos. Sa paggamit ng matris pangsintesis, lahat ng susing impormasyon ay mailalagay sa isang lugar. Sa ganitong pamamaraan, makakatulong ito sa hakbangin na kung saan nasa punto ka palang ng pagbabalangkas, at kahit mismo sa puntong nagsususulat ka na.
Ano ang itsura ng matris pangsintesis?
Maraming itsura ang matris pangsintesis. Sa halimbawang talahanayan sa baba, ang source ay nakatala sa kanang kolum ng talahanayan, at ang pinaka-ideya o tema tungkol sa paksa ay naka-lista sa taas.
Unang Tema | Pangalawang Tema | |
---|---|---|
Unang Source | ||
Pangalawang Source | ||
Pangatlong Source | ||
Pang-apat na Source | ||
Panglimang Source |
Paano kumpletuhin ang synthesis matrix?
Kapag nabuo na ang batayan ng talahanayan at kritikal ng nabasa ang mga resources, sunod ay paglalagay ng nilalaman sa talahanayan. Unang-una, ilagay ang sanggunian sa kanan o kaliwang kolum. Mas mainam kung kasama ang taon ng sulatin at pangalan ng awtor. Pagkatapos, sa taas naman ang pinaka-ideya o tema na makikita mo sa isang pananaliksik. Ito ang basic sample.
Summary
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kilalang Mga Post
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento