Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Talumpati | Filipino Sa Piling Larang (Malikhaing Portfolio)
Talumpati
Ano Ang Talumpati?
Ang Kahulugan ng talumpati ay pagbibigay ng kaisipan o opinyon ng isang tao para maibahagi sa pangkat o grupo.
Uri ng Talumpati
- Pampalibang
- Nagpapakilala
- Pangkabatiran
- Nagbibigay-galang
- Nagpaparangal
Layunin ng Talumpati
- Mag-paalam (Pagbibigay impormasyon)
- Mang-aliw
- Manghikayat.
Bahagi ng Talumpati
- Pamagat
- Katawan
- Katapusan
Paano Gumawa ng Talumpati?
- Mag-isip ng paksang tatalakayin (eg. Panlipunan gaya ng Teenage Pregnancy)
- Isipin kung anong uri at layunin ng talumpati ang ilalahad
- Gawin ang bahagi ng talumpati.
Pagkakaiba ng Tula at Talumpati
Halimbawa ng Talumpati
Nandito pa ang mga Talumpati na hindi mo pa nakikita.Talumpati tungkol sa pandemya
Talumpati tungkol sa Kahirapan
Sa ilang taon kung pamumuhay dito sa Mundo. Halos karamihan ay mahihirap. Ang KAHIRAPAN ay matagal ng sakit ng bayan , OO masasabi nating Ang KAHIRAPAN ay mahirap lutasin, ngunit Ang Isang dahilan ng ating KAHIRAPAN ay Ang KATAMARAN. Tinatamad tayong tumayo sa sarili nating paa, upang maghanap ng opurtunidad na pweding makalutas sa problemang ito, at base sa aking napansin nawawalan na ng presensya Ang mga Filipino ng pagiging matiyaga.
Sa dulot ng KAHIRAPAN may ibang nagnanakaw , para lang may makain , may iba ring nagdodroga para lang malampasan Ang gutom na nararamdaman nila , at halos lahat ng mahihirap mga wlang pinag -aralan kaya't Hindi sila makahanap ng trabaho. Ang Isang problema Rin sa mga mahihirap ay kulang sa disiplina , alam na nilang hirap na Sila sa buhay ,pag wla na lng wla na lng , Hindi dpat ganun , dapt Tayo ay matotong dimiskarte .
Para sa akin Ang una Kong sulosyon para sa problemang ito ay bigyan kalidad na edukasyon , alam ko iisipin nila na " MAS MABUTI PANG MAG TRABAHO KAYSA MAG -ARAL " . Pero Sabi nga nila " " EDUCATION IS THE KEY TO SUCCESS " . Pangalawa nmn dapat Tayo Ang laging may tiyaga sa buhay , dapat huwag lagi tayong mawawalan ng pag asa , at wag ding panghinaan ng loob. Dahil naniniwala ako na kapag Tayo ay nagsumikap sa buhay makakaahon din Tayo sa hirap at giginhawa Ang ating buhay .
Ako bilang Isang mahirap naranasan ko at naramdamn kung paano maging Isang mahirap yong tipong wlang wla ka ng makain , at wlang wla kang malapitan , pero Sabi nga ni mama " KUNG WLANG WLA MATUTUNG DUMISKARTE KUNG KAYA NMN AY HUMANAP O LUTASIN ITO "
Minsan dahil sa mga karanasan , ito ay nagiging silbing insperasyon upang mag sumikap sa buhay .
Talumpati tungkol sa droga
Minsan, kaakibat ng pag unlad ng isang lipunan ang pagtaas ng datus ng mga krimen na kanilang kinakasangkutan
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nag dudulot ng maraming hindi kanais-nais na epekto lalo na sa pisikal at mental na kalusugan ng isang tao.
Walang pinipili ang mga nagiging biktima ng droga - mayaman, mahirap bata matanda, ang lahat ay napapariwara.
Marami ang itinutulong dahil kung bakit marami ang nalulong sa pinagbabawal na droga. Kahirapan ang isa na rito.
Dahil labis na kahirapan sa buhay ay ginagawa na nila ito ng paraan para pansamantalang makalimutan nila ang kanilang mga suliranin.
Ang mga iba naman ay ginagawa na nilang hanap-buhay ang pagtitinda ng droga.
Kahit ang kanilang mga asawang iniibig ang kanilang napagbubuhatan ng kamay kapag wala na sila sa tamang pag-iisip.
Ang pinakamasaklap pa sa ating lipunan ay kabataan ang karamihan sa mga nasasangkot at nabibiktima sa bawal na droga. Marami na ang mga namatay at marami na rin ang mga nakulong, pero wala pa ring pagbabago.
Talamak pa rin ito sa ating lipunan. Mistulang kanser na ito sa ating lipunan. Karamiham sa mga karumal-dumal na krimen na naitatala ay nag-uugat sa pagtutulak or paggamit ng droga. Lulong at bangag ang karamihan sa mga salarin.
Talumpati tungkol sa Bullying
“Bobo!” Isang salita na binubuo ng apat na letra na may iisang ibig-sabihin at madaling bigkasin ngunit isang kalusugang pangka-isipan rin ang naaapektuhan.
Isang pagbati ng MAGANDANG araw sa ating lahat. Nais kong kunin ang inyong atensyon na mapagtuunan ng pansin at ipahayag ang isang maikling talumpati. Bago ako magsimula sa aking talumpati “Naranasan mo na bang ma-bully? Bakit laganap at may nabibiktima ng pagbu-bully? Ano ba ang epekto ng pangbu-bully sa isang kabataan na tulad mo?
Ang bullying ay nangyayari sa kabataan, lalo na sa loob ng paaralan. Oo! mayroong mga ganitong tao na walang ibang nais gawin kundi ang mang-alipusta, labis na manira, manakot at manakit mapa pisikal man o emosyonal na aspeto ng indibidwal.
Ang mga kabataang nabibiktima ng pangbu-bully ay bumababa ang kanilang moral at tiwala sa kanilang sarili, at ang iba naman ay humahantong sa tuluyang depresyon na halos ayaw nang makipagsalamuha
Tulad na laman ng isang batang itago natin sa pangalan na “LEIS” na isang biktima ng pangbu-bully, noong siya ay sampung taong gulang, sa murang edad ay nakaranas ng sukudulang pangbu-bully, dahil sa kulay ng kanyang balat tinatawag siya sa ibat ibang bansag tulad ng “uling, sunog tutong at iba pa” Marahil sa kanyang karanasan ay labis itong nagpalungkot sa kanya, at siya ay nawalan ng bilib sa kanyang kakayahan na nakapag pababa sa kanyang tiwala sa sarili na nagpalumo sa kanya.
Iilan lamang iyan sa rason kung bakit maraming kabataan ang naghihirap dahil sa pangbu-bully. Ang aking layunin sa talumpating ito ay upang ipagbigay alam ang mga nararanasan na paghihirap ng mga kabataang nakakaranas ng pangbu-bully.
Walang magandang naidudulot ang paging bully sa kapwa, bagkus ay kapahamakan lamang ang ating kahihinatnan kapag ganito ang ating asal.
Nakakaranas ng pangbu-bully ang ibang kabataan dahil sa kanilang kulay, laki, itsura, kasarian, at iba pa na hindi dapat pinaparaya.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kilalang Mga Post
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento