Lumaktaw sa pangunahing content

HALIMBAWA NG TALUMPATI

Halimbawa ng Talumpati

Like/Follow Our Facebook Page 'Talumpati'!

    Talumpati tungkol sa Pag-ibig 

    "find someone who will choose you everyday"

    — Isang Talumpati tungkol sa pag-ibig mula kay John Kenneth Matilla

    Reading Time : 1 min

    Napansin ko, ibang kabataan ngayon sinasabing inlove sila pero the truth is they only love the idea of falling inlove but they're clearly not inlove, binabase nila yung pagmamahal sa pag flood ng messages, sa susuyuin ka, sa pag call ng mahabang oras, sa pag flex sa socmed, sa pag myday ng pic?

    This days dapat binibase mo sa kung gaano sila ka consistent sayo, hindi sa una lang magaling. flood messages? you don't need that shit. you need to know how to communicate, update your partner. susuyuin ka? pag ano? tinopak ng walang dahilan? that's toxic, you should now how to grow, learn how to be matured. you should act right, di yung ganyan ka.

    Call ng mahabang oras? to what? to flex? you don't need that, you have your own personal time. mag tawagan lang kayo ng ilang mins, that's fine. flex sa socmed? that's great, being proud to have your partner is great. but lemme suggest, try to flex her/him to God. that's the purest thing. don't be too showy, being showy isn't bad. but being lowkey is the best.

    Please find someone na kaya kang mahalin thru your worst days, worst side. find someone who will choose you everyday, someone who can fight for you, someone who will stay despite of the problems, conflicts. someone who is faithful to you, even tho you two are lowkey. di ka bio? featured photo? minamyday? that's fine, if you knew to yourself that you own him/her you don't need that. keep it private but don't deny it.



    Talumpati tungkol sa Human Rights 

    "sa sandaling mawala ang ating takot at pag-aalala"

    — Isang Talumpati tungkol sa Human Rights na ipinasa ni Athena Kirsten

    Reading Time : 2mins

    Sa buong mundo, kasama ang pilipinas, nasaksihan natin ang panghuhubad ng karapatang pantao. Ang ilan sa mga karapatang ito ay kasing tindi gaya ng mga naitala sa kasaysayan, tulad ng kalayaan mula sa pang-aalipin at pagpapahirap, at ang karapatang malayang pagpapahayag. Ang iba ay nakikita natin sa pang-araw-araw —sa ating komunidad, gaya ng diskriminasyon, at karapatan sa isang patas na paglilitis.

    Kaya naman nais kong magbigay kabatiran na ang bawat isa sa atin ay may kapangyarihan para magbigay ng positibong pagbabago. Bagama't wala pang kamalayan ang iba, tayo ay may nakakagulat at makabuluhang impluwensya sa buhay ng iba... maging sa mga taong hindi natin kilala. Sa sandaling mawala ang ating takot at pag-aalala, mapagtatanto natin na mayroon tayong kapangyarihan para magpalaganap ng pagbabago.

    Ramdam ito ng mga nasa posisyon, kaya humahantong na ito sa madugong pangyayari.

    Na halos walang awang pinagpapaslang ng mga namumuno at nasa posisyon ang mga tagapagtanggol ng karapatan.
    Patuloy ang banta ng karahasan, banta ng kamatayan, laban sa mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao na animo'y walang pagtigil.

    Ganito na ba kasama? Nais lang ng bawat isa na tuldukan ang paglabag sa ating mga karapatan ngunit ang kanilang sagot ay kamatayan?

    Kaya naman nais kong ipaalam na, magkaisa tayo, bigyan ng boses at magpalaganap na puksain ang karahasan laban sa pagpatay sa ating pag-asa, magsisimula ito sa atin mismo. Kahit sa maliit na pamamaraan lang gaya ng pagbibigay kabatiran sa ating mga kaibigan sa isyung ito, pagbibigay kamalayan sa social media.
    Ipabatid natin ito sa malikhaing paraan, tulad ng musika at maikling pelikula.

    Dahil, uulitin ko, sa sandaling mawala ang ating takot at pag-aalala, mapagtatanto natin na mayroon tayong kapangyarihan para magpalaganap ng pagbabago sa bawat isa.


    Talumpati tungkol sa Kahirapan 

    "Nakakalito kung iisipin, di ba?"

    — Isang Talumpati tungkol sa Kahirapan na ipinasa ni Janine Briol Reading Time : 2 mins

    Nagtataka ako, bakit marami sating mga pilipino ay naghihirap? Dahil ba sa mindset nating mga pinoy? o di naman kaya kasalanan talaga ng gobyerno? Marami sa social media na nagpopost ng mga memes na bakit raw sa pilipinas sila pinanganak. Kasi unang-una, sandamakmak ang mga magnanakaw, na ultimo kahit mga bata nagagawa na nila. Pangalawa, gigisingin ka ng awa mo dahil sa mga batang nagtatrabaho, nagbebenta ng yosi, sampaguita, kandila o ano pa man sa lansangan.

    Maliban pa sa pagka-Malnutrition nila, nagkalat-kalat sila kahit saan dahil wala silang mga tahanang masisilungan. Nakakalito kung iisipin, di ba? Anong problema sa bansa natin? Kung Malnutrition at pabahay ang usapan, napakadami ng proyekto at programa para dyan, ngunit para bang wala itong epekto. Sa tingin nyo, kailangan ba natin magkaroon ng family planning o di naman kaya depopulation, tulad ng covid o gyera?

    O di naman kaya ayuda? Napakadaming solusyon na ang binitawan ng gobyerno para sa kahirapan, pero hindi ito mapigilan. At kahit anong mindset ang ilagay ng bawat isa satin, hindi ito makakamtan ng mga mahihirap dahil sa kanilang antas ng edukasyon.

    So, ano ang rason bakit naghihirap ang mga pilipino at pano ito mapapahina?

    Kung titignan ng maigi ang ekonomiya ng pilipinas, maliban sa epekto ng covid dahil ang kahirapan ay dati ng problema, ito ay dahil sa namamatay na agrikultura. Sa mga di nakaka-alam agriculture ang pangalawa sa pinakamalaking porsyento bilang main income ng pilipinas.

    Ngunit sa kasamaang palad, namamatay na ito.

    Isang malungkot na katotohanan ng bansa.

    Ang lupang pang-agrikultura ay ginagawang mga industriyal na lugar, shopping mall at mga subdivision. Ang mga magsasaka ay tumatanda na at ang kanilang mga anak ay lumipat na sa ibang mga karera. Ilang dekada ng hindi umuunlad ang industriya ng agrikultura. Marami sa ating mga paaralang pang-agrikultura ang nakatuon sa pag-oopisina na mas gugustuhin pang gumawa ng mga gawaing papel kaysa tumulong sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura ng bansa. At kung hindi pa natin nababanggit, ang nakakagimbal na mga kwento ng korapsyon sa Department of Agriculture.

    Maiibsan at mapapahina natin ang kahirapan kung pagtutuunan ng pansin ang agrikultura, dahil majority sa mga mahihirap sa bukirin ay nakadepende sa mga agricultural activity bilang source of income at employment, na maari ding ma-adopt ng mga mahihirap sa siyudad tungo sa programang inilulunsad ngayon, ang urban farming.


    Talumpati tungkol sa Edukasyon 

    "Sa totoo lang nakakatakot na ginagamit ng DepED ang salitang "fun" at pariralang "honesty is the best policy""
    — Isang Talumpati tungkol sa Edukasyon
    Reading Time : 3 mins


    Matagal na akong tahimik tungkol sa paksang ito at hindi na ako tatahimik pa tungkol dito, Anuman ang mangyari, dapat matuto tayong lahat sa katotohanan, bago pa mahuli ang lahat.

    Ito ay tungkol sa Education System ng DepED.


    Dahil sa kung gaano kaluma ang kanilang sistema at kung paano sila gumagawa ng sarili nilang mga desisyon, ang DepEd ay dumaranas ng malaking isyu sa kalidad ng kanilang sistema ng edukasyon. Ang dahilan kung bakit nahihirapan kaming mag-aral sa paaralan ay ang aming pinag-aaralan ay halos tungkol sa nakalipas at mga walang kwentang impormasyon na dati na naming natutunan nung kindergarten pa hanggang grade 6. Wala kaming natutunan tungkol sa hinaharap, na dapat malayo na ang inaaral namin.


    Sa puntong ito, ang Grade 7 hanggang 12 ay dapat nakatutok sa Pag-aaral tungkol sa Kinabukasan dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap, kaya naman kailangan nating Matuto, Maghanda, at Manatiling Updated dahil atleast iyon ang ating makakaya na isabuhay, hindi lamang nakatuon sa nakaraan.


    Hindi ko sinasabi na dapat nating ihinto ang pag-aaral tungkol sa nakaraan, ngunit dapat nating malaman ang tungkol sa Kinabukasan. Dapat mayroon tayong Subject tungkol sa Blockchain, Graphic Designing, Music Making, at Marami pang iba, Plus, kaysa pumili ng kurso sa Grade 11, dapat magkaroon ng Course Picking sa Grade 7 hanggang Grade 10 bilang Optional Option.


    Ganito kasi 'yun, si Briones lang ang humahadlang sa nangyayari sa DepED.


    Wala siyang pakialam sa mga estudyante. Tandaan kung paano niya binago ang dalawang buwang bakasyon sa dalawang linggong bakasyon? Maraming magulang at estudyante ang nagagalit dahil mukhang walang patawad ang DepED sa desisyong iyon pagdating sa mga estudyante at guro, Hindi kami Robot.


    Ang totoo, pera lang ang iniintindi ng DepED, hindi mental health ng mga estudyante. Kaya naman, kadalasan, mas natututo ang mga tao sa Internet dahil lahat ng impormasyon na gusto nilang matutunan ay naroon na ngayon dahil ang Internet din ang Pinakamalaking Library sa Mundo, kung saan maaaring matuto ang sinuman.


    Ang pinakakilalang problema sa DepED ay ang academic dishonesty, Sa totoo lang nakakatakot na gumagamit sila ng mga salitang "fun" at "honesty is the best policy" kung hindi man lang tapat ang DepED at basta na lang itinatakwil ang mga problema gamit ang mga pariralang iyan bilang panakip butas.


    Ngunit, sa totoo lang, ang Kindergarten hanggang Grade 6 ay mahusay na binuo dahil matututunan mo ang karamihan sa mga pundamental na kakailanganin mo sa buhay, ngunit ang High School ay isang kalamidad.


    Ang totoo, pagdating sa magulong Education System ng DepED, hindi mo kailangang magtapos para maituring na propesyunal sa buhay, ang tunay na matatalino ay ang mga taong marunong lampasan ang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng matalino kahit nagkakamali, sa halip na magtrabaho nang husto para sa isang bagay na walang kabuluhan, gaya ng mga may pinakamahuhusay na rekord sa akademiko at matataas na marka. Malaking Problema din ang ilan sa mga Magulang dahil inaasahan nila ang kanilang anak na lalaki o babae na may magandang akademikong rekord at matataas na marka.


    Halimbawa, gusto ng isang estudyante na maging isang propesyonal na chef dahil ito ang hilig niya, ngunit maaaring sabihin lang sa kanya ng guro na kailangan niyang matutunan ang tungkol sa algebra at iba pang mga mathematical na konsepto na walang kinalaman sa kung paano maging isang mahusay na chef. Ang ibang nagtapos ng kolehiyo ay hindi man lang matagumpay sa buhay dahil, kahit na mayroon silang sobrang katalinuhan na mayroon sila sa paaralan, ang isyu ay kung paano nila gagamitin ang sobrang katalinuhan sa hinaharap?

    Walang short cut sa buhay, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang paggawa ng matalinong desisyon ay hindi. Ito ay isang mas maikling landas na maaaring maghatid sa iyo kahit saan sa halip na magtrabaho nang husto para sa wala.


    Sa totoo lang, hinihiling ko na sana ay ayusin ng Department of Education (DepED) ang kanilang sistema ng edukasyon para sa mas magandang pag-aaral sa hinaharap sa Highschool, dahil karamihan sa ating mga estudyante ay wala nang pagnanais na matuto, sa kabila ng katotohanan na gusto talaga nating mag-aral ng maayos.


    Talumpati tungkol sa Pasko 

    "Dama mo pa ba ang pasko?"
    — Isang Talumpati tungkol sa pasko
    Reading Time : 1:30 mins


    Dama mo pa ba ang pasko? Malamang isa ka rin sa nakakapansin. Iilan nalang ang may christmas lights, iilan nlang ang nangangaroling, iilan nalang ang mga parol sa daan.


    Natatandaan mo pa ba nung bata ka pa? September palang, kita mo na sa mga bintana ang mga dekorasyon, nararamdaman mo na ang nag-iinit na kompetisyon —ng mga christmas lights, ng mga parol.


    At hindi lang yan, malinaw parin sa isip natin at kabisado pa rin ang kanta ni willie na, "ilabas mo na ang iyong tambol, ang torotot mong nakatago sa baul". —Nakakamiss di ba?


    Ngayon nasan na?


    Asan na ba yung sigla at ispirito ng pasko na kahit matatanda ay masaya? Nasan na ba yung mga enerhiyang nangangaroling tayo kahit maaga pa?


    Binugbog tayo ng mga kalamidad, pagtaas ng bilihin at pagbaba ng halaga ng piso. Siguro sapat na rason na 'to, para manatili tayong ganito. Pero hindi ba't dati kahit sandamakmak na bagyo, nandun parin ang ngiti at pag-ahon ng bawat pilipino? Kinuha man ng oras ang iba nating mahal sa buhay, ngunit paglipas ay napapalitan ito ng bagong buhay, inspirasyon at sigla.


    Ikalat mo ang positibong enerhiya, magsilbi sanang ilaw ang talumpati na ito para magsimula ang Bawat isa satin.


    Pruweba na 'yan na hindi pa patay ang pasko, kung ang bawat isa sa' tin ay kumilos at ibalik ang matatamis na saglit ng nakaraan, kahit sa kunting pamamaraan lang —gaya ng pagbati ng maligayang pasko sa kapatid, magulang, relatives at kaibigan.


    Sa mga hindi pa nakakuha ng mensahe, hayaan nyong ako ang unang bumati sainyo! Maligayang Pasko!


    Talumpati tungkol sa Misinformation 

    "Paano natin nakikita ang reyalidad?"
    — Isang Talumpati tungkol sa Misinformation na ipinasa ni Crystal Lhieca Lomibao
    Reading Time : 2 mins


    Maraming nahuhulog at nagpapaniwala sa atin kung ano ang nakikita natin dito sa internet, kasi gaya nga ng sabi nila, "Wala tayong pake sa katotohanan, kundi kung ano lamang ang gusto nating marinig".

    Dahil ang Information and Communication Technology ay napakahalaga sa buhay natin ngayon, tayong mga kabataan ang partikular na tinatamaan ng propaganda, maling impormasyon at pekeng balita.


    Babad ang oras natin sa panonood ng telebisyon, paglalaro ng mga online games, pakikipag-chat, pagba-blog, pakikinig sa musika, pag-post natin ng mga pictures at paghahanap ng ibang tao na makakausap online.


    Lubos tayong umaasa sa impormasyong ipinapakalat online para magkaroon ng kaalaman sa mundo at kung paano natin nakikita ang reyalidad. Maraming magulang ang walang sapat na teknikal na kakayahan upang makasabay sa online na aktibidad ng kanilang mga anak, o turuan sila tungkol sa mga panganib na maaaring kinakaharap nila.


    Kaya naman malaki ang role natin mga estudyante na matuto at alamin ang mga bagay na 'to. At dito sa school at sa atin ito magsisimula.


    Unang-una, icheck ang source. Saan nanggaling ang ang impormasyon? Alamin kung tsismis lang o hindi, pangalawa kung meron itong source tignan ang cross reference at credibility nito. Halimbawa sa isang ulat o balita, makikita mo ang mga sanggunian nito, tignan ang mga link kung ito ay credible, kung eksperto ba sa field ang awtor? o hindi?


    At ang huli, gumamit ng fact checker tools kung tinatamad ka. Dahil katamaran din talaga ang isang factor kung bakit kinakaligtaan natin kung totoo ba ang isang impormasyon o mali. Pero gaya nga ng sabi natin sa umpisa, hindi importante ang katotohanan sa ibang tao, kundi ang nais lang nila marinig. Pero kung tatanungin ko kayo, mas maganda bang ma scam? na kunwari narinig mo sa mall na 8gb ram ang CP na balak nilang ibenta sayo pero ang katotohanan 2gb ram lang?

    Sana nabago ko ang pananaw nyo, laban sa maling impormasyon tungo sa talumpating ito, maraming salamat.



    Talumpati tungkol sa Sakripisyo 

    "sandali ng isang mahika"
    — Isang Talumpati tungkol sa pag-ibig na ipinasa ni Erna Mae Sarcon Apostol
    Reading Time : 2 mins


    Pag-ibig, syempre ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag sa pamamagitan lamang ng salita. Para sakin itong pakiramdam na 'to, ito yung sandali ng hindi pagiging makasarili, sandali ng isang mahika.

    Halimbawa, apat kayo sa pamilya, at may tatlong mansanas lang.

    Pagkatapos sasabihin ng mama mo, "Ayaw ko ng mansanas."

    Yung inosenteng pagsisinungaling na yun? Sa tingin ko, yun ang pag-ibig eh.


    Yung simpleng sacrifices na yun? Lahat tayo nakaranas na nun di ba? at maging tayo nagsasakripisyo kahit sa simpleng pamamaraan lang. Minsan may sakripisyo din na, mawawala ang lahat sa'yo, kahit buhay mo ang kapalit.


    Kasi tignan nating maiigi, pinanganak tayo na may gusto at pangangailangan, gayunpaman, merong kakaiba satin na isinasantabi natin ang mga kagustuhan at pangangailangan natin.


    Ginagawa palagi ito ng mga magulang. Hindi sila natutulog, walang kain, mga oportunidad na dapat susundan nila kaso ayun nga, mas matimbang yung kasiyahan nila sa mga anak nila kaysa sa mga sarili nilang pangangailan o pangarap.


    Sa isang average na magulang, yung desire na makitang ligtas ang anak nila at masaya? mas matimbang kaysa sa sarili nilang pangangailan yun. Nahanap nila yung something na mas mahalaga kaysa sa tulog at gutom.


    Ang sacrifices ay hindi lamang may mawawala sayo, ito ay paghahanap ng isang bagay, di ba? tungkol sa paghahanap ng isang bagay. Bagay na mas mahalaga sa kagustuhan at pangangailan mo. Tungkol ito sa paghahanap ng pagbibigay ng pagmamahal, na willing kang bitawan ang lahat, mahawakan mo lang 'to.

    Ang sakripisyo ang produkto ng pagmamahal ng sobra.



    Talumpati tungkol sa Savior Complex 

    "Savior Complex"
    — Isang Talumpati
    Reading Time : 1:30 mins


    Sa mga hindi pa nakaka-alam sainyo, ang pagkakaroon ng isang savior complex ay nangangahulugang naniniwala kang maaari mong iligtas ang ibang tao mula sa kanilang sariling mga problema tulad nga ng mga taong walang pangarap. Madalas, mas gusto mo silang ayusin kaysa tanggapin o mahalin kung ano at sino sila.


    Dagdag pa rito, ang sabi sa isang pananaliksik, "Naniniwala sila na tinutulungan nila ang ibang tao... pero gayunpaman, hindi ito healthy sa isang relasyon."


    Alamin natin kung bakit isa itong problema.

    Ayon sa mga eksperto, "Ang relasyon hindi dapat isang charity, dapat kayong dalawa ay masaya sa isa't-isa, give and take."


    So, kung ang goal mo ay ayusin ang isang tao, at iniisip mo na kailangan ka nila para ayusin ang problema nila, hindi na ito healthy, maging sayo or taong gusto mo.


    Malamang hindi mo pa napapansin na meron kang savior complex, pero napapansin mo ba ang mga sinyales? —ikaw yung nagsho-shoulder ng lahat, gumagastos sa lahat, na ultimo isa kang teacher sakanya at hindi isang partner.


    Darating sa point na, pinapagod mo lang ang sarili mo, at mauubos ka.

    At ang masakit pa dun, hindi ka nya talaga kailangan. So ang suggest ko sainyo, hindi naman masama ang magkaroon ng savior complex pero gayunpaman, maghanap tayo ng balanseng relasyon ngayong 2023.


    Talumpati tungkol sa mga Pusa 

    — Isang Talumpati tungkol Sa Napapanahong Isyu : Ang mga pusa
    Reading Time : 2 mins


    Basagin na natin ang katahimikan... Makinig kayong lahat, Isa ito sa problemang sumasalot sa ating lipunan na hindi binibigyang pansin ng karamihan. Na ultimo, buong mundo ang kumakaharap sa problemang ito ngunit tila ba'y isinasantabi natin?


    Kalimutan n'yo muna ang presinto, hayaan nyo kong magpaliwanag.

    Galit ako sa mga pusa, sila ang pinakamasamang alagang hayop kailanman. Ang mga pusa ang pinakamasamang hayop sa planetang ito.

    Alaga?


    Wala silang ginawa kundi ang mainis sa lahat ng bagay, ayaw magpahawak, tingnan o istorbohin sa anumang uri ng paraan, at kapag inistorbo mo sila, sila pa ang galit, parang binuo lang sila para magpalaganap ng negativity sa buhay, at kapag hindi sila galit, nakaupo lang sila at walang ginagawa.


    As in wala.


    Hindi sila nakikipaglaro, hindi nila ina-acknowledge ang existence mo, nandiyan lang sila, tapos kung sinusubukan mong maki-bonding sa kanila, magagalit sila sayo, like BAKIT KAYO GALIT?

    Sinusubukan kong mahalin ka oy, at galit ka pa, ang ginagawa mo na nga lang buong araw ay umupo, tapos umaasta na parang sila ang nagbabayad ng mga bayarin, isa kang pusa, wala kang kwenta, ngunit, akala mo ikaw ang mundo? Jusko! makakita ako ng pusa next time, kugtaran ko talaga.


    At yung mga pusang walang balahibo, oh my god, isipin mo na may alaga kang pusang walang balahibo, napaka-creepy mo nun, malamang, mayroon kang 15 vietnamese na mga bata sa basement na gumagawa ng mga nike o kung ano pa man, ikaw ay isang magulong tao, hairless cat amp.


    Ayaw ko sa lahat ng pusa, with feelings, mas gugustuhin ko pang mag-alaga ng 20 foot na king cobra, sobrang nakakalason na kapag hinawakan mo, talagang magkakaroon ka ng syphilis, kaysa naman magkaroon ng pusa, bilang isang alagang hayop, my GOD! I hate them, I hate them, t*ng ina mo garfield, king ina mo hello kitty, ina nyong mga pusa, end of speech.


    At sya nga pala may allergic ako dyan.



    Talumpati tungkol sa Buhay Estudyante  

    — Isang Talumpati na ipinasa ni Zyc Dump 

    Reading Time : 2 mins 


    Patuloy tayong nag-aaral simula nursery, at jusko ayaw talaga natin magising ng maaga. Kaya naman, lahat tayo ay gustong lumaki agad at tumanda. Habang lumilipas ang panahon, nagkakaroon tayo ng mga matatalik na kaibigan. Nagsisimula makipag-hang-out kasama sila at tinatawag natin sila sa bahay. 


    Nung mga nasa grade 8 to 9 na tayo, nagsisimula na ang pagdadalaga at pag share ng mga bagay bagay sa mga kaibigan natin na hindi natin karaniwang ginagawa o pinag-uusapan kasama ang magulang. Dati, walang may pake sa grade natin, pero ngayon bigla-bigla, nandyan na yung mga usapin tungkol sa future natin —engineering o doctor, yan at yun. 


    Ngayon, yung pressure sa'ting mga estudyante, tumataas. At patungong grade 10, pahirap ng pahirap yung pinag-aaralan hindi tulad dati. Yung iba satin hindi na makapag 95, at ang mga tao sa paligid, nagsisimula na tayong ikumpara sa ibang estudyante. Then, yung mga kamag-anak natin nagsisimula na rin magbigay ng mga career advices. Pero lingid sa kaalaman nila merong mga photographers, musician, artists, actors na kung saan sinusundan nila yung passion nila, yung pangarap nila. Pero nga dahil nasa pilipinas tayo, sinasabi ng mga magulang natin, "Mapapakain ba tayo nyan?", Nawawala yung tunay na potensyal ng mga anak nila. 


    Grade 10, sinasabi ng lahat, "Aral now, enjoy later" 

    Grade 12, sasabihin nila :“aral now, tapos mag enjoy ka sa college after” At kapag nakapagtapos ka na ng college, “Maghanap ka lang ng tunay na trabaho, magiging masaya yan para sayo." 


    Sa totoo lang, pagkatapos ng grade 10, ang saya na tinutukoy nila, iba na ang kahulugan. Hindi na yung saya na alam natin. Meron yung iba sa'tin na hindi kaya yung tension ng pag-aaral at magiging kahiya-hiya nalang sa pamilya nila. Sa gitna ng mga yan, sa tingin ko nawala na yung tunay na kahulugan ng pagiging estudyante. Na ang pinaka-magandang parte ng buhay estudyante ay yung alamin ang sarili natin, idevelop ang personalidad at ang pinaka-importante, ay makita natin yung skill sets talaga natin. Pero ang masakit na katotohanan, walang may pake sa mga skills natin, walang makaka-appreciate kahit sinuman.



    Talumpati tungkol sa mga Proyektong Hindi Natapos 

    "Mga proyektong Abandonado" 

    — Isang Talumpati na ipinasa ni Arjie Dela Peña Satur 

    Reading Time : 3 mins 


    Sariwain natin ang isa sa mga sumasalot na problema ng ating bansa nuong mga nakalipas na mga taon, —Ang walang katapusang hindi matapus-tapos na kalsada. Noong nakaraang administrasyon, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang lahat ng hindi pa natapos na proyekto sa kalsada sa loob ng 30 araw, ikinatuwa ito ng mga kababayan natin. Itong mga kalsada na 'to ay inabandona na ng maraming taon, isa sa pinaka-bobong isyu ng bansa. 


    Samahan nyo kong magroadtrip sa moon kung anu-ano ang mga kaganapan noong nakalipas na administrasyon. Sa press conference noong Enero 27, 2018, binalaan ni Duterte ang mga contractors na tapusin ang kanilang mga proyekto, dahil kung hindi, haharapin nila ang pagkansela sakanila at ang mas masahol, humarap sa mga demanda. Isa sa mga proyektong hindi natatapos ay ang nasa Sta. Cruz Davao del Sur. Ang Sta. Cruz Bridge construction ay nasa ilalim ng konstruksyon sa loob na ng dalawang taon. 


    Sa Tres Marteres Cavite, isang multi-milyong barangay road ang inabandona sa loob ng halos isang dekada na. Inawayan road sa Darong, Sta. Cruz ay under construction. Na dapat 2017 matatapos ang proyekto. Natukoy din ng mga netizens ang Punta Linao road sa Banaybanay, Davao Oriental, gayundin ang mga hindi natapos na kalsada sa lalawigan ng Basilan at sa Bohol. Nang lumaon, naglabas ng memorandum si Highways Secretary Mark Villar sa lahat ng DPWH regional office na magsagawa ng imbentaryo ng lahat ng hindi natapos na kalsada sa kani-kanilang rehiyon. 


    Hanggang sa nagpatuloy na ang full-blast sa pagpapatupad ng "Build, Build, Build" infrastructure program, kung saan ang DPWH ang nasa gitna ng lahat. Hindi tayo maaaring maglunsad ng napakaraming proyekto para lamang hindi makumpleto ang mga ito sa loob ng ilang buwan o kahit na taon tulad ng sa nakaraan. Tunay ngang magiging iba ang pagpapatakbo nito, kumpara sa mga proyekto sa ilalim ng napakaraming administrasyon. 


    Sa bagong sistema na inilunsad ni Secretary Villar ng mga parusa para sa mga kontratista na nahuhuli sa kanilang mga proyekto, ay nagpapakita na siya ay nagnanais na huminto ang lumang kaugalian ng pagpapaubaya sa mga paglabag. Sa likod ni Pangulong Duterte, dapat magkaroon tayo ng bagong panahon ng pagtatayo ng imprastraktura sa ating bansa. 


    Fast forward sa pagtatapos ng administrasyon, nakita at natunghayan natin ang matagumpay na paglaban ng ating bansa sa nakakagimbal na problemang ito, na kung saan ipinagpatuloy ng Administrasyong marcos sa programang "Build Better". Nasaksihan natin ang sandamakmak na mga pagtatapos ng mga imprastraktura sa bawat sulok ng pilipinas at patuloy na nagpa-unlad kung saan nagbigay ng 6.5M na trabaho sa mga pilipino mula 2016 hanggang 2020. 


    Ngunit sa kasamaang palad, lumitaw ang isang nagbabadyang panganib sa ekonomiya na sumalot ng hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo —Ang Covid.



    Talumpati tungkol sa Digmaan o Gyera 

    "Walang saysay ang magreklamo"
    — Isang Talumpati tungkol sa Digmaan o Gyera
    Reading Time : 2 mins


    Yung iba sa'tin gustong makipag-digmaan sa China, pero naisip nyo ba ang kapakanan ng bawat isa sa atin? Hayaan nyo kong linawin sa inyong kaisipin kung ano ang imahe sa panahon gyera.


    Ang ibig sabihin ng digmaan o gyera ay walang katapusang paghihintay, walang katapusang pagkabagot. Walang kuryente, kaya walang telebisyon. Wala kang mababasa. Hindi mo makikita ang mga kaibigan mo. Maddepressed ka pero walang gamot para dito at walang saysay na magreklamo — lahat ng tao kaparehas mo. Napakahirap din umibig, o di naman kaya, ang hirap na manatiling in-love. Kung isa kang kabataan tulad ko, tila matitigil ang orasan natin.


    Kung ikaw ay may malubhang sakit - halimbawa meron kang kanser, walang chemotherapy. Kung hindi ka makakaalis ng bansa para magpagamot, nandyan ka lang at mamamatay nang dahan-dahan, at mararamdaman mo ang tunay na sakit. Babalik ang mga Victorian diseases gaya ng polio, typhoid at kolera. Makikita mo ang mga taong nasa malulubhang sakit at kalagayan na tila nasa perpektong kalusugan noong huli mo silang nakita noong panahon pa ng kapayapaan. Lagi mong naririnig ang pag-ubo. Ang bawat tao'y bumabahing - mula sa alikabok ng mga nasirang gusali, mula sa sakit, mula sa lagnat.


    At yung mga nakasanayan mo dati, mawawala na, parang usok ng sigarilyong hindi mo na kayang bilhin. Nasaan yung mga bestfriend mo? Umalis na, yung iba patay na. Ang iilan na natitirang buhay pa ay nanlulumo na. Hindi ka makakarating sa mga bahay nila, dahil naharangan ng checkpoint ang mga kalsada. O ang mga sniper na bumabaril kapag lumagpas ka sa pinto, kaya naman mabilis ka ring bumalik sa loob ng bahay, tulad ng isang alimango na umaatras sa loob ng shell nito. O di naman kaya minalas kang lumabas sa maling araw at isang bariles na bomba, ang ibinagsak malapit sa'yo galing sa isang helicopter mula sa gobyerno.


    Ganyan...
    Ganyan ang Itsura ng digmaan o gyera, kaya tatanungin kita ngayon, gusto mo pa ba?

    Gusto mo pa ba makipag-gyera?



    Talumpati tungkol sa Pangingibang bansa

    Talumpati tungkol sa OFW (Negatibo at Positibo)

    — Isang #Talumpati na ipinasa ni Yvon Diada 

    Reading Time : 2 mins 

    Ang pagtatrabaho sa ibang ay mukhang kapana-panabik, pero sa likod nito, bubungad sa'yo ang walang katapusang sakripisyo. Kailangan mo rin kasing timbangin ang iba pang mga isyu, mga kahihinatnan, at mga sitwasyon na walang katiyakan. Ngunit kahit ganun may mga kagandahan pa rin naman ang pag-oofw tulad ng: 

    Mataas ang sahod, dahil kung iisipin, yung kaya mong kitain sa pilipinas ng isang taon, ay kaya mong kitain ng buwan lamang sa ibang bansa. At kung nakapasok ka sa isang magandang kumpanya, mas maganda yung mga benepisyo, tulad ng mga travel expense, housing allowance, sponsorship at health benefits. 

    Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay maganda ring pagkakataon para tumuklas ng mga bagong lugar, makakilala ng mga dayuhan, at matutunan ang kanilang kultura, tradisyon at kung paano sila mamuhay. At kahit malayo ka sa mga mahal mo sa buhay, mas makakabisado mo na ang pag-iisa, ng hindi nakadepende sa ibang tao, dahil wala kang aasahan kundi ang sarili mo lang. 

    Pero kahit na ganun, makakadama ka parin talaga ng pagkalungkot, mamimiss mo ang pilipinas. At isa pa, malala ang diskriminasyon sa ibang bansa, makakaranas ka ng mas mababang posisyon o benepisyo kumpara sa mga kababayan nila. At isa pa sa pinakamasakit na katotohanan, yung pagsesend mo ng pera sa iyong pamilya at relatives, dahil ang ilan sakanila, ay pagsasamantalahan ka. Iniisip nila na dahil lamang sa nagtatrabaho ka sa ibang bansa, ikaw yung mas may kaya, na kadalasan hindi naman ganun. 

    Iniisip nila na ang pagbibigay sa kanila ng tulong pinansyal ay hindi makakasira sa iyong pinansyal. Kaya naman nagkakaroon na dito ng pagtatalo. Kaya naman, sa pagtatapos ng talumpating kong ito, nawa'y nabuksan ko ang inyong isip sa mga positibo at negatibong kaganapan na mangyayari kapag ikaw ay nangibang bansa.

    Mga Komento

    1. Kahanga hanga

      TumugonBurahin
    2. Napaka angas

      TumugonBurahin
    3. Nasaan yung bidyo?

      TumugonBurahin
    4. Hahahahahahahaha putang ina niyo dami niyo

      TumugonBurahin
    5. Waiting AHHAHA

      TumugonBurahin
    6. Bat wlaa 😭

      TumugonBurahin
    7. Still waiting hahahhaha

      TumugonBurahin
    8. napakaganda ng talumpati

      TumugonBurahin
    9. tagal😭

      TumugonBurahin
    10. Napakaganda

      TumugonBurahin
    11. Napaka ganda

      TumugonBurahin
    12. Sheeeesshhhh

      TumugonBurahin
    13. G na send na pls

      TumugonBurahin
    14. Maglagay ng komento

      TumugonBurahin
    15. Pa send idol

      TumugonBurahin

    Mag-post ng isang Komento

    Kilalang Mga Post