Lumaktaw sa pangunahing content

Abstrak | Filipino sa Piling Larang (Malikhaing Portfolio)

Abstrak


So, nandito ka para bumuo ng malikhaing portfolio para sa final output mo? Well, wala ka ng problema dahil sasamahan kita sa pagsulat ng Abstrak na kung saan ito ay magiging orihinal na sulating akademik, at naaayon sa format, at teknik.


Bilang SHS student, grade 11 man o grade 12, ito ang huling requirement bago maipasa ang Filipino sa Piling Larang (Akademik), dahil kung tutuusin dalawa lang naman ang choice mo, di ba? pumasa o magkapasa. Pero don't worry mahfren, dahil mapapadali natin ang lahat, na tila ba'y may taglay kang karapatan na sabihing mahal mo 'sya. Sad, pero tama na ang pagsasalita, at simulan na natin ang magkaroon ng abs sa mga daliri upang bumuo ng isang pamatay na abstrak!                   


    Kahulugan ng Abstrak

    Ano ba ang Abstrak? 

    Ito ay buod ng isang sulatin sa direktang pamamaraan. Madalas itong makita sa mga ulat, pamanahong papel o pananaliksik at minsan sa mga akademikong pagsusulat. 


    Ano ang Kahalagahan ng Abstrak?

    Abstrak ang huling parte ng pagsusulat pero ito ang kabaligtaran ng mga mambabasa. Dahil una nilang binabasa ang Abstrak upang matanaw nila ang pangkalahatang-ideya ng buong papel. Kaya mas mainam na iwan mo sa kahuli-hulian ang pagsusulat ng Abstrak, at Iwan mo na s'ya, dahil nahuli kong may kasama s'yang iba.


    Paano magsulat ng Abstrak

    Ito ang listahan ng pagsulat ng Abstrak : 

    • Unang-una, basahing muli ang papel para matanaw ang kabuuang ideya. Pagkatapos ay basahin ang bawat seksyon at paikliin ang impormasyon sa isa o dalawang pangungusap lamang. 
    • Alinsunod ay basahing muli ang pangungusap para masigurong nadali mo ang mga key points ng isang papel.
    • Suriin kung Deskriptibo o Impormatibong Abstrak ang gagamitin. (Ipapaliwanag natin ' to mamaya, kaya naman ay Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa senior/seniorita!)
    • I-tsek ang haba ng mga salita at bawasan pa ito na kung maaari ay tanggalin ang mga walang kuwentang salita o 'di naman kaya palitan ang ibang pangungusap ng mas maikli, at direkta. 

    • Tingnan ang buong daloy nito kung nagagandahan ka na.
    • At ang pang-huli ay iiwan ka rin pala.   

    Ano ba ang katangian ng malupit na Abstrak?

    Ito ang listahan ng mga Katangian ng Abstrak :
    • Paggamit ng isang talata na kayang buhatin ang sarili. Maiksi at may ugnayan. 
    • Pagtalakay sa mga mahahalagang elemento ng akademikong pagsususulat -tulad ng "Kaligiran", "Suliranin", "Pagsusuri ng mga datos", at "Konklusyon".
    • Walang impormasyong hindi kasama sa papel. 
    • Naiintindihan ng mga nakakarami at ganun din ng mga tinatarget mong mambabasa.
    • Madalas gamitan ng balintiyak na tinig upang maipokus sa isyu ang abstrak kaysa sa mga tao. (ex. Marumi ang tubig sa sa pasig river.  -> Ang tubig sa pasig river ay marumi.)
    • Pina-simple ang mga salita ng orihinal na papel upang mas maintindihan ng masa. 
    • Madalas ito ay walang sanggunian o reperensyang makikita.  


    Deskriptibong Abstrak

    Ginagamit madalas ang Deskriptibong Abstrak sa Araling Pantao at Agham Panlipunan o 'di naman kaya ay sanaysay pangsikolohiya. Kunti o Maiksi lamang ang ganitong uri ng Abstrak (naglalaman ng 50 hanggang 150 na salita). Ito ang pangkaraniwang parte ng Deskriptibong Abstrak :
    • Kaligiran 
    • Suliranin
    • Interes o pokus ng papel

    Impormatibong Abstrak

    Ginagamit madalas ang Impormatibong Abstrak sa Agham,  Engineering o Ulat pangsikolohiya. Umaabot ng 200-250 na salita ang Impormatibong Abstrak at bawat bahagi nito ay maaaring umabot sa dalawang pangungusap,  Ito ang mga bahagi :
    • Kaligiran 
    • Suliranin
    • Pagsusuri ng Datos/Pamamaraan
    • Napag-alaman/Resulta
    • Konklusyon


    Pagkakaiba ng Deskriptibo at Impormatibong Abstrak

    Nandito sa talahanayan ang buod ng pagkakaiba ng Deskriptibo at Impormatibong Abstrak : 
    DeskriptiboImpormatibo
    Paglarawan sa mga key pointsPaglahad ng mga mahahalagang punto sa papel
    Pagsama ng kaligiran, suliranin at pokus ng papel at tandaang walang pagbabanggit dito ng Pagsusuri ng datos at Konklusyon kapag ito ay isang pananaliksik.Buod ng kaligiran, suliranin, pokus ng papel, pagsusuri ng datos, napag-alaman, at konklusyon ng buong papel.
    5% ng papel10% ng papel
    Madalas gamitin sa mga subhetibong papel gaya ng Humanities, Social Sciences at Psychology Essays.Madalas gamitin sa mga Obhetibong papel gaya ng Science, Matematika, Engineering, at Ulat pangsikolohiya.




    Mga Halimbawa ng Abstrak

    Bibigyan kita ngayon ng dalawang halimbawa ng Abstrak. Ang Deskriptibong abstrak (1) ay para sa Social Science at Impormatibong Abstrak (2) para sa isang Psychology Research. 


    Deskriptibong Abstrak

    Leyenda ng Key points:

    • Kaligiran = -----
    • Suliranin  = -----
    • Pokus ng papel  = -----


    Ang Kapaligiran at Mga Korporasyon: Mula sa Isang Rasyonalismong Pananaw

    Napoleon M. Mabaquiao Jr.

    Discipline: Social Science, Ecology

     

    Abstrak:

    Dahil sa malaking epekto ng mga desisyon at gawa ng mga korporasyon sa ating kapaligiran, nararapat lamang na isaalang-alang ang kanilang papel sa pagsusuri at paglutas ng krisis sa kapaligiran. Kaugnay nito, pinatutunayan sa papel na ito na ang mga korporasyon ay may tungkuling etikal na pangalagaan ang kapaligiran, na hiwalay at mas mataas sa kanilang mga tungkuling pangnegosyo at pampamahalaan na karaniwang gumagabay sa kanilang pagtrato sa kapaligiran. Ang nasabing tungkuling etikal ay bunga ng katayuang etikal ng mga korporasyon bilang mga rasyonal na entidad (bagamat may artipisyal na kalikasan lamang bilang mga personang gawa lamang ng mga batas pampamahalaan) at, bunga na rin ng katayuang etikal na ito, ng kanilang obligasyon na igalang ang mga karapatan ng mga tao, kung saan kabilang ang karapatang mabuhay sa isang kapaligirang malinis at angkop sa malusog na pamumuhay.




    Sanggunian

    Mabaquiao Jr., N. M.. (2010). Ang Kapaligiran at Mga Korporasyon: Mula sa Isang Rasyonalismong Pananaw. MALAY, 23(1). Retrieved from http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7982


    Impormatibong Abstrak

    Leyenda ng Key points:

    • Kaligiran = -----
    • Suliranin  = -----
    • Pamamaraan/Pagsusuri ng Datos  = -----
    • Napag-alaman/Resulta = -----
    • Konklusyon = -----

    Karanasan ng Isang Batang Ina : Isang Pananaliksik 

    Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia

    Discipline: Psychology



    Abstrak:

    Ang batang ina ay isang kabataan na maagang napasok sa isang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang magulang. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. 


    Sanggunian

    Averion Giselle Marie A., Elic Florentino L., Garcia Fernando A. (2015). Karanasan ng Isang Batang Ina : Isang Pananaliksik. Volume 2. no. 2. Retrieved from https://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf


    Pagkakaiba ng Abstrak sa Introduksiyon

    Ang ibang estudyante ay minsan nagtataka kung ano nga ba ang pinagkaibahan ng Abstrak at Introduksiyon. Ang pagkakaiba nila ay ang nasasakupang bahagi. Ang Introduksiyon ay nagbibigay lamang ng panimula. Samantalang ang Abstrak ay binuod ang papel mula sa simula hanggang dulo. May forever pala noh? Naol hanggang dulo.



    Summary

    Tinalakay natin mula sa mababaw hanggang sa malalim kung ano nga ba ang Abstrak. Nagsimula tayo sa Kahuluguhan nito kung saan ito ay isang buod ng akademikong sulatin. Nakita rin natin ang Kahalagahan ng Abstrak dahil unang binabasa ng mambabasa ito para matanaw ang pangkalahatang-ideya ng papel. Pagkatapos ay inalam natin kung Paano magsulat nito, tiningnan ang mahuhusay na Katangian, uri at halimbawa na kung saan sa puntong ito ay masasabi mo ng "Kaya ko ng magsulat ng isang Malupitang Abstrak!". 



    Iba pang resources ng Abstrak

    Ito ang mga Listahan na galing sa pa National Library of The Philippines!

    As of 2019

    1. AAA’s Science Online (https://www.sciencemag.org/)
    2. Educator's Reference Complete Health (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    4. Gale Science in Context (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    5. General OneFile (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    6. GREENR (Global Ref on the Environment (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    7. InfoTract Engineering (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    8. Oxford Journals      https://academic.oup.com/journals
    10. Proquest Central (PQC) (http://search.proquest.com)
    11. ProQuest CultureGrams Online
    12. Pressreader (www.pressreader.com)
    13. Proquest Dissertation and Theses (PQDT) (http://search.proquest.com)
    14. Wellness Resource Complete (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)

    ebooks/eaudiobooks:
    1. Ebsco        (http://search.ebscohost.com)
    2. Gale Virtual Reference Library       (www.infotrac.galegroup.com/itweb/phnl)
    4. IG Publishing        (http://portal.igpublish.com/iglibrary/)
    5. World scientific     (http://www.worldscientific.com/)
    6. Taylor & Francis     (http://www.tandfebooks.com/)
    7. Cambridge Core       (https://www.cambridge.org/core/)

     



    Mga Komento

    Kilalang Mga Post