Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
Bionote | Filipino Sa Piling Larang (Malikhaing Portfolio)
Bionote
Congrats! Dahil nasa pangatlong sulatin ka na! Bionote ang isa sa mga pinaka-madaling gawin sa malikhaing portfolio! At mas lalong dadali ang iyong paggawa dahil sasamahan kita, pero tandaan mo, kahit anong scroll mo pababa at pataas, hindi magiging malinaw sa'yo kung mahal ka nya ba talaga o hindi :(
Pero wag ka na pong sad, dahil magsisimula na tayo! Lezzgo!
Ano ang Bionote?
Ang Bionote ay akademikong sulatin na nagbibigay ng maikling pangkalahatang-ideya ng mga kwalipikasyon at karanasan ng isang tao. Madalas ito ay isang talata lamang pero may dalawang uri nito, ang maikli at mahaba na kung saan pag-uusapan natin sa ibaba.
Madalas itong makita sa :
- Pamanahong papel o Pananaliksik
- Antolohiya
- Letter of intent gaya ng scholarship
- Inquiry for Seminar tulad ng workshop
- Dyornal
- Web 2.0 tulad ng blog
Dalawang Uri ng Bionote
1. Maikling bionote
- Ginagamit para sa dyornal at antolohiya
- Maikli pero punong-puno ng datos
Ang sumusunod ay ang nilalaman nito:
- Pangalan ng awtor
- Pangunahing Trabaho
- Natanggap na Edukasyon
- Parangal pag-akademiko
- Trabaho
- kinabibilangang Organisasyon
- Posisyon sa Komunidad
- Nagawang proyekto
2. Mahabang bionote
- Mahabang impormasyon tungkol sa Curriculum vitae
- Madalas itong naka-double spacing.
Ginagamit ito sa mga sumusunod:
- Ensiklopedya
- Curriculum Vitae
- Libro
- Impormasyon tungkol sa awtor ng libro
- Impormasyon ng hurado sa mga lifetime awards
- Impormasyon ng administrador sa paaralan
Nilalaman ng isang mahabang bionote :
- Kasalukuyang estado o posisyon
- Listahan ng mga naisulat
- Mga parangal
- Natamong edukasyon
- Sinalihang pagsasanay
- Karanasan sa tungkuling trabaho
- Tungkulin sa komunidad
- Tungkulin sa organisasyon
Ang Bionote ay isang mabilis na tala tungkol sa may-akda ng isang libro.
Mayroong pitong (7) na katangian ang pagsulat ng isang bionote, na ating pag-uusapan sa baba :
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE
1. Ang nilalaman ay maikli
Kung gusto mong basahin ng mga tao ang iyong bionote, gawin itong mas maikli. At huwag magsama ng anumang karagdagang salita na hindi kinakailangan.
2. Gumagamit ng Third-Person Perspective o sa Tagalog ay Pangatlong Panauhan
Palaging gumamit ng pangatlong panauhang pananaw kapag nagsusulat ng Bionote kahit na tungkol ito sa iyong sarili.
Halimbawa:
"Si Pedro Pandecoco ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa University of the Philippines. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang web designer sa Meta Technology Company.
Pansin nyo? Wag gumamit ng "Ako ay", dahil masyadong ego-centric!
3. Isinasaalang-alang ang mga mambabasa
Kinakailangan na kinikilala ang mambabasa sa pagsusulat ng isang Bionote. Kung ano ang hinahanap ng mambabasa dapat ay ganun din ang matagpuan nila sa isang bionote.
4. Gumagamit ng Inverted Pyramid o sa Tagalog ay baligtad na tatsulok
Kapag sumulat ka ng Bionote, dapat mong tiyaking laging tumutok sa pinakamahalagang impormasyon muna. Ito ay dahil ang unang bahagi lamang ng teksto ang binabasa ng mga tao. Kaya dapat kang magsimula sa pinakamahalagang impormasyon at magsagawa ka ng paraan pababa.
5. Angkop na impormasyon
Upang magamit nang husto ang iyong Bionote, kakailanganin mong piliin ang mga kasanayan at katangian na pinakaangkop para sa layunin nito.
6. Binabanggit ang antas ng pag-aaral
Ang Bionote ay nagtatalaga ng mga degree sa mga may-akda upang matulungan ang mga mambabasa na malaman ang mahalagang impormasyon tungkol sa kanila.
7. Maging totoo sa pagsusulat
Mag-ingat kapag pinupunan ang iyong Bionote, dahil masama ang magsinungaling. Siguraduhing totoo ang lahat ng impormasyon, at huwag magsulat ng maling impormasyon para lang maging maganda ito.
Iba pang kahulugan ng bionote
Ang bionote ay isang tala na isinulat ng isang panauhin sa isang kaganapan (kaganapan, seminar, symposium, mga paligsahan at/o gig) tungkol sa kanilang sarili. Madalas itong may larawan ng may-akda.
Mahalagang Paalala
Kapag inilalarawan ang indibidwal sa bionote, kadalasan nasa dalawa o tatlong pangungusap lang. Magpokus sa kung ano ang mga nagawa nya.
Paano ba gumawa ng bionote?
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote
Ang mga tao ay sumusulat ng mga talambuhay at autobiographies para sa iba't ibang dahilan. Ang isang bionote ay mas maikli, mas maigsi, at nakatuon lamang sa buhay ng isang tao. Ang isang autobiography at talambuhay , sa kabilang banda, ay mas mahaba at maaaring sumaklaw sa buong buhay ng isang tao.
Ang bionote ay naiiba rin sa resume, cv, at biodata. Dahil nilalaman nila ang personal na impormasyon gaya ng iyong timbang, taas, kapanganakan, lugar ng kapanganakan, edad, at kasarian. Which is wala nito sa bionote.
Halimbawa ng bionote
1. Chuckberry J. Pascual fnished his PhD in Malikhaing Pagsulat at UP
Diliman. He is the author of “Hindi Barbra Ang Ngalan Ko” (2011), 5ex
(Youth and Beauty Brigade, 2012), and “Kumpisal” (UST Publishing House, 2015). He teaches literature and humanities at the University of Santo Tomas and is a Resident Fellow at the UST Center for Creative Writing and Literary Studies.
2. Gabriela Lee has been published for her poetry and fction in the Philippines, Singapore, the United States, and Australia. Her frst book of prose is titled Instructions on How to Disappear: Stories (Visprint Inc., 2016). Her previous works include Disturbing the Universe: Poems (NCCA Ubod New Writers Prize, 2006) and La-on and the Seven Headed Dragon (Adarna House, 2002). She has received a Master of Arts in Literary Studies from the National University of Singapore (NUS), and currently teaches literature and creative writing at the University of the Philippines. You can find her online at www.sundialgirl.com.
Sanggunian
BIONOTE - U.P. Diliman Journals Online https://journals.upd.edu.ph
Nandito ang iba pang halimbawa ng isang mahusay na bionote.
Bakit kailangan magsulat ng bionote?
- Ito ay upang ipaalam sa iba ang kredibilidad ng indibidwal.
- Pagpapakilala ng awtor sa mga mambabasa kung sino s'ya
- Para magsilbing kagamitan sa marketing
Buod ng isang mahusay na Katangian ng Bionote
Narito ang buod ng isang mahusay na katangian bionote :
- Ang nilalaman ay maikli
- Gumagamit ng Third-Person Perspective o sa Tagalog ay Pangatlong Panauhan
- Isinasaalang-alang ang mga mambabasa
- Gumagamit ng Inverted Pyramid o sa Tagalog ay baligtad na tatsulok
- Angkop na impormasyon
- Binabanggit ang antas ng pag-aaral
- Maging totoo sa pagsusulat
Layunin ng Bionote o saan ito ginagamit
Paglalahad ng isang profile na kung saan ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iyong karera sa akademya at iyong mga tagumpay sa akademya, pati na rin ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo.
Nilalaman ng Bionote
- background sa paaralang pinasukan, gaya ng digri, at mga karangalan.
- kontribusyon sa larangan at mga adbokasiya.
Mahalagang Ideya!
Dapat tayong lahat ay maging tapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Dapat din tayong mag-ingat na huwag magpakalat ng pekeng balita, dahil maaari itong makapinsala sa reputasyon ng mga tao.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Labels:
akademikong pagsulat
bionote
filipino
HUMSS
k12
lesson
Malikhaing portfolio
pagsusulat
piling larang
shs
STEM
Hello I'm Geraldine Mae, former instructor at Sorsogon State University!
Kilalang Mga Post
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento