Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
3 WASTONG Halimbawa ng AUTHORIZATION LETTER sa TAGALOG
Reading Time : 3 mins
Kapag may inuutusan po kayo para gawin ang isang bagay hindi ito basta basta na "Pare ikaw nga kumuha nito para sakin", hindi po ganun.
Dapat po may authorization letter kayo dahil unang-una ito po ay may bisang legal o legally binding, para kung may problema sa taong pinagkatiwalaan mo, magagamit mo ito sa korte.
Pangalawa, accountability, kunwari nawala ng tao ang dokumento sa daan o ninakaw ang pera, ito ay magiging kasalanan nya given na may pirma po s'ya sa kasulatan. With that in mind, Ilahad na po natin ang mga pangkaraniwang Halimbawa ng wastong AUTHORIZATION LETTER sa TAGALOG.
Si Juan po ang gaganap bilang kayo.
At si Pedro naman ang inaatasan nyong bigyan ng pahintulot o authorization.
STOP AND READ
Kung nagtataka po kayo kung bakit walang header o greetings sa mga sample at huling bahagi ng liham, ay basahin nyo lamang po hanggang sa dulo dahil ginawan natin ito ng kompletong halimbawa.
3 Halimbawa ng AUTHORIZATION LETTER sa TAGALOG
SAMPLE 1 - Kapag ikaw ay lumiban
Ako po si Juan at pinahihintulutan ko po si Pedro na gawin ang mga tungkulin ko habang ako po ay nasa pagliban dahil sa (Maikling rason).
Kung mayroon po kayong katanungan tungkol sa aking liham ay maaari niyo po akong tawagan sa aking numero: 09123456789 o kaya maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aking e-mail: xyz@gmail.com.
Note : Sa pagbibigay ng rason ay dapat hindi ito madamdamin at sabihin lamang ang dahilan ng walang halong pagmamaka-awa.
Straight to the point po dapat at maikli lamang. Isa pa, 'wag itong papa-abutin ng lagpas tatlong linya. Hindi po ito songwriting o news article.
SAMPLE 2 - Kapag may inatasan ka naman para kunin ang dokumento sa ngalan mo
Ako po si Juan, binibigyang pahintulot po na si Pedro ang kakatawan sa aking ngalan upang kunin ang (pangalan ng dokumento) kay (pangalan ng pagkukunan) dahil (maikling rason).
Nakalakip po ang identipikasyon ni Pedro sa liham, upang makilala po ninyo ang tao kapag ito ay nakarating na upang kunin ang mga dokumento.
Ang liham po na ito ay epektibo hanggang wala pa po akong binibigay na anumang abiso.
Kung mayroon po kayong katanungan tungkol sa aking liham ay maaari niyo po akong tawagan sa aking numero: 09123456789 o kaya maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aking e-mail: xyz@gmail.com.
SAMPLE 3 - Kapag nagbibigay ka ng pahintulot para sa bank authorization
Ako po si Juan, at binibigyang pahintulot si Pedro upang pamahalaan ang aking account sa aking ngalan.
Ako po ay tutungo sa Japan magmula Agosto hanggang Oktubre, kaya naman lahat ng operasyon ay panghahawakan ni Pedro.
Kung mayroon po kayong katanungan tungkol sa aking liham ay maaari niyo po akong tawagan sa aking numero: 09123456789 o kaya maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aking e-mail: xyz@gmail.com.
Halos magkakaparehas lamang po ang format ng authorization letter at sa nilalaman lamang nagkaiba.
Ngunit sa header ay meron pong dalawang uri, ito po ay kung specific o general, specific kung alam mo kung sino, kailan at saan, general naman po kung wala po kayong specified na impormasyon, tignan po natin ang Halimbawa :
Dalawang Uri ng Header/Greetings
1. Specific na Pangbungad
Address po ninyo (Kasama ang zip code)
Petsa (DD.MM.YYYY)
Pangalan ng tatanggap (kasama ang tamang titulo hal. Mr, Mrs, Ms, Dr, Hon. Etc)
Address ng tatanggap
Iginagalang,
Note : Kung mapapansin nyo po, "Iginagalang," ang ginamit imbes na "Dear," dahil po ang dear ay isang impormal ng pamamaraan upang magsulat ng greetings. Ginagamit po ang dear sa pamilya, kaibigan o love letter.
Kung ang isinulat nyo po ay "Dear", mapagkakamalan lang po kayong close ng director o boss ninyo. Lalo na't ang tagalog ng "Dear" ay "Mahal".
2. General na pangbungad
Sa sinumang kinauukulan
wala ka pong papalitan dito, katumbas ito ng "to whomsoever, it may concern" sa ingles. Ibig sabihin po nito ay hindi natin alam kung sino at saan ang tatanggap.
Huling bahagi ng Liham
Sa huling bahagi naman po ng liham ay ang pangalan kasama ang pirma, ganun din sa taong pinahintulutan mo. Tignan natin ang Halimbawa :
lubos na gumagalang,
(Pirma)
Juan Dela Cruz
(Pirma) (DD.MM.YYYY)
Pedro Penduko Petsa kung kailan pinirmahan ng pinahintulutan mo.
Kabuuan ng Liham
Ito po ang magiging itsura ng liham pagkatapos :
Address po ninyo (Kasama ang zip code)
Petsa (DD.MM.YYYY)
Bb. Gabriel Cruz
Address ng tatanggap
Iginagalang naming Bb.Cruz,
Ako po si Juan at pinahihintulutan ko po si Pedro na gawin ang mga tungkulin ko habang ako po ay nasa pagliban dahil sa (Maikling rason).
Kung mayroon po kayong katanungan tungkol sa aking liham ay maaari niyo po akong tawagan sa aking numero: 09123456789 o kaya maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aking e-mail: xyz@gmail.com.
Lubos na gumagalang,
(Pirma)
Juan Dela Cruz
(Pirma) (DD.MM.YYYY)
Pedro Penduko Petsa kung kailan pinirmahan ng pinahintulutan mo.
Mga kailangan sa Authorization Letter
- Scanned ID (kung nasa ibang bansa o malayong lugar) or ID nyo po mismo kung malapit lamang kayo.
- ID po ng inatasan nyo.
- Printed po dapat ito para mas mabisa at malakas na pruweba
- 11-12 fonts, Tahoma/Calibri/Arial/Times New Roman, Black
Summary
Tinalakay natin ang Header o Pambungad na kung saan may dalawang uri -specific at general. Nagbigay din tayo ng tatlong Halimbawa ng nilalaman ng isang pangkaraniwang authorization letter tulad ng pagliban, inatasang kumuha ng dokumento o pag handle ng account sa banko.
At ang pinaka-importante ay ang huling bahagi, dahil kailangan ng pirmahan ng inatasan mo upang magkaroon ito ng accountability at susunod lamang sa kung anong isinulat sa authorization letter. Ang tono po kasi ng ganitong liham ay straight to the point na kung saan ikaw ang nakatataas na para bang presidente ng isang bansa.
Related Post
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Kilalang Mga Post
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
dami ko pong natutunan sainyo kaysa sa youtube
TumugonBurahindear pp ginagamit ng iba hahahha
TumugonBurahinmali talaga ang paggamit ng dear sa formal letter sa wakas may nakapagsabi na
TumugonBurahinlaki pong tulong nito salamat po
TumugonBurahin