Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
HALIMBAWA NG PANGHALIP | Sa Masayang Paraan!
Reading Time : 3 mins
1. Panghalip Panao
Ang Panghalip na panao ay nanggaling sa salitang "tao". Kaya naman ito ang gagamitin mo pamalit sa isang tao sa loob ng pangungusap. TIgnan mo ang Halimbawa sis, basic na basic lang.
May tanong ako
Ano 'yun?
san malapit puso mo?
sa lungs
ay akala ko sakin.
oo nga, sayo lungs.
Pangalawang Halimbawa,
Walang pasok
Pero Ikaw parin ang pumapasok sa isip ko
Okay bago ka pa mabangungot sa litratong yan, Usisain pa natin kung bakit kailangan na kailangan gumamit ng isang tao ng panghalip panao kapag nakikipag-usap.
Kunin natin 'to bilang halimbawa.
May tanong ako
Kung hindi "Ako" ang ginamit dyan, gagamitin nya ang sarili nyang pangalan. Magiging ganito:
May tanong si Juana.
So kung mapapansin nyo, para syang alien na kung saan binabanggit nya pa ang pangalan nya imbes na sabihin nyang "Ako".
Ngayon, kung babalikan mo ang ibig sabihin ng panghalip. Ang panghalip ay pagpapalit sa ngalan ng tao. Kaya naman kailangan na kailangan nating palitan ng panghalip panao ang mga pinagsasabi natin kapag tumutukoy tayo ng tao. Gets?
Nasa larawan ang iba pang salita na pwedeng pamalit :
2. Panghalip Pamatlig
Ang Panghalip Pamatlig, ay pagtuturo ok? Kunwari, kunin mo nga ito. Nakukuha mo naman? Kung hindi pa, marami pa tayong halimbawa syempre, alangan namang papabayaan kita, sus lika nga dito.
- Maglalaba nalang ako this saturday.
- Ito nalang ang gagawin ko this saturday.
Instead na maglalaba ang sasabihin sa normal na pangungusap, pwede itong palitan ng panghalip pamatlig na "ITO".
- Wag kang lalayo sa piling ko
- Dito ka lang sakin ha
Gamit ang Dito, mas mapapabilis mo ang ibig mong sabihin at mas ok syang pakinggan sa panahon ngayon. Kaya naman masasabi mo na, isa sa trabaho ng panghalip pamatlig ay palitan ang mga mahahabang salita ng mas maikli. Agree? Yes daddy.
Ito pa ang ibang pamatlig na pwede mong gamiting panghalip sa pagtutukoy o pagtuturo.
- ito
- dito
- iyan
- niyan
- diyan
- iyon
- doon
Panawag pansin
Heto ako! Basang basa sa ulaaaann
Ang isa pang kagandahan ng panghalip pamatlig, ay nakakapagbigay ito ng emphasize o focus sa tinutukoy. Eto pa ang ibang salita na pwede mong gamitin bilang panawag pansin:
- eto / heto
- ayan / hayan
- ayun / hayun
Patulad
- Ang paggamit sa fanny ay maiaakma mo sa isang triangle pattern.
- Ganito magfanny, puro ka angela eh.
Sa unang halimbawa mapapansin mong specific nitong sinabi ang paaggamit sa fanny, pero gamit ang panghalip na "Ganito" ay praktikal nitong itinuturo mismo sa kausap at ipinapakita. Madalas ginagamit natin ang panghalip na 'to dahil hindi natin alam ipaliwanag sa kausap at mas magandang ipakita nalang ito.
- ganito
- ganiyan / ganyan
- ganoon / gayon
Panlunan o pagtukoy sa lugar
- Nasa National High School Manila ka na ba?
- Nandyan ka na ba sa school?
Magagamit din sa pagtukoy ng lugar ang panghalip pamatlig gaya ng "Nandyan".
- doon / naroon / nandoon
- diyan / riyan
- narito / nandito
3. Panghalip Pananong
Ang panghalip pananong, ay napaka-obvious naman di ba? Galing ito sa salitang Tanong.
Isahan
- Kanino ka lang?
- Sino yang kausap mo?
Ginagamit ang panghalip pananong kapag hindi mo alam kung ano ba yung tinutukoy. Di ba napakasimple lang? kung di mo alam o kilala, edi palitan mo ng panghalip. Basic.
- Ano
- Magkano
- Alin
- Sino
- Kanino
Maramihan
- Sinu-sino ang kabit mo ha?
Kapag marami sila at hindi mo kilala ayan ang pinaka-basic na salita na panghalip.
- Anu-ano
- Alin-alin
- Sinu-sino
- Kani-Kanino
4. Panghalip Panaklaw
Ang Panghalip Panaklaw ay nangagaling sa salitang pacquiao, de joke lang. Ang Panaklaw ay galing sa salitang saklaw, o sa madaling salita ay "Sakop" o "Nasasakupan".
- Sa lahat ng gusto ko, yung masipag, tapos masama.
- Anumang mangyari sating dalawa, wag ka mag-alala, di ako bibitaw.
In terms of nasasakupan sa unang halimbawa, ang "Lahat" ay sinasakop lahat ng posibilidad na gusto mo. So, hindi mo na need banggitin pa, shorcut syang maituturing. Ganun din sa pangalawang halimbawa. "Anumang mangyari", may posibilidad na matutuli sya o hindi. So nasasaklaw lahat ng pwedeng mangyari into one word.
- Lahat
- Sa lahat ng dako
- Sinuman
- Anuman / alinman
- Kaunti
- Madami / marami
- Saanman
- Wala / wala ni isa
- Isang tao / isa
- Bawat isa
Summary
Mukhang hindi umabot sa 143 ang examples ah? hahaha pero -pwede bang I love you nalang ang kulang? ૮ ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶ ა
At dahil marupok ka, papatawarin mo ko diba? sigih na hahhaha
Maliban sa nabanggit nating mga Panghalip namely,
- Panghalip Panao (Pangpalit sa ngalan ng tao)
- Panghalip Pamatlig (Pangpalit sa pagtuturo)
- Panghalip Pananong (Panghalip sa pagtatanong)
- Panghalip Panaklaw (Panghalip sa nasasakupan)
ay meron pa tayong tinatawag na Panghalip Pamanggit na kung saan ang halimbawa nito ay gumagamit ng "na" at "ng".
- Ang gwapo/ganda ng mga mambabasa natin.
GInagamit ito bilang tulay at relasyon ng paksa at pang-uri, na kung saan ituturo natin next time :)
If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!
RELATED POST
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hello I'm Geraldine Mae, former instructor at Sorsogon State University!
Kilalang Mga Post
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ipinaskil ni
Geraldine Mae Brin Dapyawin
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento