Lumaktaw sa pangunahing content

ANO BA ANG WIKA? LIKE SERIOUSLY? Kahalagahan at Konsepto

 Reading Time : 3 mins


Tatalakayin natin ang fundamentals at kung anu-ano ang mga dapat mong malaman sa kung ano ba ang Wika, unahin natin ang katanungang "bakit mahalaga ito?"


    1. Kahalagahan ng Wika


    "Bakit mahalaga ang Wika?" "Anong mapupulot kong aral sa Wika?" "Paano ko 'to magagamit?" "Sino ba yang Wika na yan?"  at ang personal kong hinaing "Magkaka-jowa ba ako sa Wika na yan?" Sa lahat ng katanungan na yan ang sagot ay "Oo". 

    Hindi lang ito limitado sa personal kundi mahalaga ang Wika sa lahat ng mga nakikita mo sa mundo. Katulad na lamang ng wika na ginagamit sa business o negosyo -tinatawag itong accounting, kung wala ito matagal ng nalugi ang mga kumpanya. 

    Bakit Mahalaga Ang Wika?

    Kung hindi makakapagsalita ng maayos ang tumatakbong presidente ng bansa sa tingin mo maraming maniniwala sakanya? Wika ang main ingredients sa panghihikayat. Kung wala ito, matagal ng nagwakas ang mundo. Isipin mo nalang na hindi ka makakapaghanap ng jowa dahil wala kang ginagawa maliban lamang sa pagtingin.


    Bakit Mahalaga Ang Wika?


    Kung nabitin ka, nandito pa ang 7 Nakakapanindig balahibong Kahalagahan ng Wika na kung saan mapapabalik-estudyante ang teacher mo.

    At kung interesado ka naman malaman ang mga nakakapagpabagabag na halimbawa ng Idyolek at Sosyolek na wala pang nagtangkang basahin, then keep reading and enjoy!


    Kahulugan ng Wika


    Ang Wika o Language ay isang naitahing sistema ng komunikasyon. Ang istraktura ng wika ay ang kanyang grammar at ang mga bahagi naman nito ay ang kanyang talasalitaan o sa ingles ay vocabulary. Ang mga wika ang pangunahing paraan sa pakikipag-salamuha ng mga tao, at pwede itong ma-ipadala gamit ang salita, sign or sulat.

    Bakit Mahalaga Ang Wika?



    Halimbawa 

    •  Mga post sa social media bilang written language.
    •  Pagbabalita ng mga kaganapan sa mundo bilang spoken language.
    • at sa nakakaproud na deaf community dahil sa paggamit nila ng sign language sa kadahilanang meron itong espesyal na grammar at vocabulary.



    2. Konsepto ng Wika


    Barayti ng wika


    Dahil sa pagkakaiba-iba natin ng kultura, panahon at henerasyon, nagkaroon ng mga iba't ibang paggamit sa wika Sheessshh!


    Bakit Mahalaga Ang Wika?

    Mapapansin mo ang mga kakaibang paraan ng mga gen Z sa pagsasalita. Gayundin naman sa panahon ng mga jejemon at sa pagbabaliktad ng mga words tulad na lamang ng pwetmalu (malupit). Isa-isahin natin ang mga Halimbawa ng barayti ng wika.


    Idyolek

    May mga kakaiba tayong katangian at ugali -mga characteristics na sa'tin lang nage-exist o bilang lamang ang mayroon. Habit kung paano natin naipapadala ang gusto nating sabihin sa mga kausap, mahahalintulad mo ito sa isang fingerprint.


    Halimbawa ng Idyolek 

    •  "Naku, hindi ko na naman nagawa ang assignment. Pero,"

       Pagsasalita ng "Pero" sa bawat dulo ng pangungusap, katangian o habit na iilan lamang ang meron. 

    • "Sayang, nanalo na sana bwisyit"

      Pagsasalita ng "bwisyit", imbes na "bwisit" na madalas maririnig mo sa mga kaibigan mo.

    • "ma-Sherep ba?"

      Narinig natin 'to sa isang palabas ni Vice Ganda, na kung saan ang normal na bigkas ay "Sarap" imbes na sherep.


    Nandito pa ang 10 Kakaibang Halimbawa ng Idyolek na wag na wag mong huhusgahan!


    Dayalek

    Sa bawat rehiyon may kanya-kanyang winiwika na talagang hindi mo maiintindihan dahil nai-printa na ito sa kanilang kultura. Tulad ng Ilocano, Cebuano, Waray, Kapampangan at Hiligaynon na kung saan kailangan mo itong gamitan ng pagsasalin o translation. Take note po "Rehiyon" hindi bansa.


    Halimbawa ng Dayalek

    • "Apay ngay madim intid ajay ginatang ko nga flowers para kinyana?"

       Ito ay Ilocano na kapag isinalin sa wikang tagalog ay "Bakit hindi mo binigay yung bulaklak na binili ko para sakanya?".


    Merong 400 na dayalek sa Pilipinas dahil mayaman ang bansa natin sa kultura ngunit nabugbog ng pang-aapi mula sa ibang bansa.


    Sosyolek 

    Ang sosyolek naman ay wikang ginagamit ng mga pangkat o grupo. Maari mong malaman ang katayuan at propesyon nila sa lipunan sa pamamagitan lamang ng pagsasalita nila.


    Halimbawa ng Sosyolek 

    • Sign Language

      Ginagamit ng deaf Community, naiitindihan natin sila dahil iisa lamang ang vocabulary at nagkaiba lamang ito ng pamamaraan kung paano ipadala ang wika.

    •  Jejemon

      "M4h4l poe kit4 _16."

      Hindi naman nawala ang vocabulary at grammar pero binago ito ng husto na halos sila sila lang nagkakaintindihan.

    •  Propesyon 

      "Buy mo na yan pre bullish na yan."

      Paggamit ng jargon sa propesyon tulad ng Trading, ang "Bullish" nangangahulugan na pataas na ang value ng isang stock o cryptocurrency.


    Nandito pa ang 8 Halimbawa ng Sosyolek na tiyak na huhusgahan mo.


    3. Pagkakaiba ng Idyolek, Dayalek at Sosyolek


    Ang pagkakaiba nila ay ang sakop nilang tao. Ang Idyolek ay nakikita sa isang tao, samantalang ang dayalek naman ay mapapansin mo sa rehiyon at ang sosyolek naman ay makikilala mo sa pangkat o grupo ng mga tao na kung saan malalaman mo ang katayuan nila sa lipunan imbes na sa kadahilanang kultura.

    Bakit Mahalaga Ang Wika?




    Iba pang Barayti ng Wika


    Pidgin

      Ito ay salitang bigla nalang nagbunga, madalas na naririnig mo sa mga Bombay o intsik na nagsasalita ng wikang tagalog.


    Creole

      Ito naman ang salita na nagmumula sa isang tao ngunit naipagsasama ang mga iba't ibang wika. Tulad ng Filipino-Chinese. 


    Matematika

      Ang wikang ginagamit sa siyensa ay ang matematika, upang maprove mo ang isang teorya ay dapat itong dumaan sa masusing kalkulasyon. Paano malalaman ang bilis ng isang entity? Gamit ang speed=distance/time malalaman natin ito. Kung walang matematika wala tayong malalaman sa mundo.



    Conclusion


    Tinalakay natin ang Kahalagahan ng Wika, na kung saan kung wala ito ay malamang hindi mo na rin nababasa 'to. Sakop nito ang mababa hanggang sa pang daig-digang problema. 

    Pinag-usapan din natin ang barayti ng wika na kung saan mas Lalo pa nating naintindihan ang isang indibidwal o grupo.

    Sa pamamagitan ng Wika, mas Lalo tayong nagiging aware sa kalagayan ng bawat isa. 


    Nabanggit na natin ang lahat ng mga basics at mga dapat na malaman tungkol sa wika, pero kung hindi pa sapat, please do comment. Thank you. 



    If you love this blog, read more below so we'll post more educational and fun content to you every day!


    RELATED POST




    Mga Komento

    Mag-post ng isang Komento

    Kilalang Mga Post