Tampok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
GO FOOD EXAMPLE |na Hindi Sinabi Sayo ng Teacher Mo
Reading Time : 3 mins
Kung lalaliman natin ang pananaliksik mga mare, maraming go food example ang maaari nating I-consume na hindi naituro ng mga teachers natin, lalo na yung mga food at sangkap na mayaman sa unsaturated fatty acids na makapagbibigay sa'tin ng source of energy.
Napakadaming example mga mars at para mas mapa-ikli lamang natin, iri-reveal ko sainyo ang top 10 go food example na ni minsan hindi nyo pa narinig mula sa ating mga mahal na guro. Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Let's go!
10 GO FOOD EXAMPLE
10. Buto ng Pakwan
Ang buto ng pakwan syempre ang pinaka-una sa ating listahan, talaga namang tunog palang hindi mo na alam kung totoo, according sa isang research, "Ang watermelon seeds ay meryenda o snack sa iba't ibang lupalop ng mundo, at ginagamit ito para mag handa ng edible oil in some other countries."
Sabi pa dito, "Inihanda ang watermelon seed oil dahil sa angkin nitong physicochemical properties. Nagcoconsist ang seed oil nito ng 59.6% linoleic acid at 78.4% total unsaturated fatty acids.", Kung hindi mo parin naiintindihan, hindi lang pala snack or pagkain ang buto ng pakwan, kundi ginagamit ding alternatibong mantika sa ibang bansa, napaka-interesante.
9. Taro
Malamang isa 'to sa mga nakakalitong topic di ba? Kamote, patatas, ube at taro halos magkakahawig, pero sa madaling salita ang Taro ay corm o laman ng Gabi. Sabi dito sa isang article, pinaka-dabes na gawin dito ay ang nilagang taro, which is napaka-healthy nga nun, pero hindi mo rin talaga maipagkakait na ubos na naman ang kanin sa ginataang gabi, iba rin talaga magluto ang mga pinoy.
Pero hindi lang limitado ang pagkain na 'to sa ganitong recipe kundi pwede rin syang dessert katulad ng kalamay o rice cake. Napaka-flexible at one of dabes example talaga sya na nagbibigay ng energy sa mga tao, dahil napakayaman nito sa carbohydrates at fibers.
8. Bilo-bilo
Every november alam na nating mga pinoy ang cravings natin, hindi lang sya basta healthy at nagbibigay ng energy sa'tin kundi isa sya sa pinakamadaming snack na paboritong inihahain ng mga pinoy sa kani-kanilang tahanan. Dahil kung hindi mo pa alam, nagkaka-isa-isa ang pilipino sa pagsuporta sa ating local rice farmers at buong Philippine Rice Industry mismo dahil ang buwan ng nobyembre ay idineklara bilang "Rice awareness Month".
Kung ganun, hindi lang limitado sa bilo-bilo ang makikita mo sa pilipinas tuwing dumarating ang buwan ng nobyembre, napakadami pa at tiyak na hindi lang ito nakakapag-boost sa'tin physiologically kundi nabibigyan din natin ng fuel ang ekonomiya ng bansa. Pak ganern.
7. Berries
Isa sa elemento ng go food ay ang carbohydrates na talaga namang mapapa on the go ka. Berries ang hinahanap mo kung isa kang fruit lover, ang mga common example nito ay ang strawberry, raspberry, blueberry, blackberry, red currant, white currant at ang blackcurrant.
Kung hindi ka pamilyar o sadyang ayaw mo sa mga yan, technically, masasabi mong berry ang saging, kamatis, pipino, talong, o kahit na ang pakwan. O ano pa bang hinihintay mo mars? Gawin mo ng mas healthy ang breakfast mo.
6. Kalabasa
"Sa bawat gram ng fiber na ating kino-consume, nakakareceive tayo ng two calories of energy.", base ito sa pag-aaral na isinulat ni Elyse Cloeter sa isang article. Isa ang kalabasa sa mga gulay na nagpo-provide ng fiber, na tiyak namang makakapag boost sa'yo. One of the great choice out there lalo na sa pinakbet na gustong-gusto ng mga kababayan nating ilocano.
5. Barley
Barley, Isa sa mga kinahihiligan ngayon ng mga babae, hindi po si Barney, iba yun. Meron itong anti-aging properties, pampaganda ng kutis at buhok at other health benefits.
Hindi sya limitado sa health products lamang, ginagamit din itong ingredients sa mga pagkain, sinasahog ito sa mga tinapay at mga soups. Napaka-yaman din talaga nito sa fiber kaya hinding-hindi sya mawawala sa listahan.
4. Buto ng Granada
Ang buto ng granada o pomegranate ay walang dudang napaka-sustansya. According dito sa isang article, "karaniwang inihahalo ito sa mga salads, sa oatmeal, smoothies, guacamole, yogurt at iba pa."
Pwede din ito sa juice, hindi lang sya healthy kundi nakakapagbigay din ng pulang kulay na talaga namang nakakatakam visually. Mayaman ito sa fiber, antioxidants at fatty acids, kaya ano pa ba hinihintay mo sis, upgrade your lifestyle!
Finally nasa top 3 na tayo, handa ka na bang malaman ang tatlong example ng go food na never pa in your life, even once na narinig? Kung handa ka na, keep scrolling and enjoy reading more!
3. Sushi
Kilala ang Sushi dahil ito sa mataas nyang amounts ng omega-3 fatty acids at hindi lang yan, base dito sa isang article, "dahil sa napakaraming food in just one ito ay naglalaman ng protein, carbs, antioxidant nutrients (vitamin E and C), and fat-soluble vitamins tulad na lamang ng B12 at K.", kaya naman walang duda na sushi ang deserving na mapadpad dito sa top 3 ng ating listahan.
2. Steamed Dumplings
Napakadaming uri nito lalo na sa asian countries, at ang steamed dumplings is usually one of the healthiest dishes out there na nagbibigay ng healthy carbohydrates.
Carbs is life lalo na kapag nage-exercise ka, tamang-tamang snack 'to para sa'yo. Sa pilipinas meron tayong version nito at isa sa pinaka-kilala ay ang Siomai. At sa wakas dumako na tayo sa top 1!
1. Papaya
Okay, naghintay ka ba? Of course, papaya ang number 1 na hindi mo pa narinig sa teacher mo. Natural, tinapay, cake, french fries ang commonly magiging example, pero if you think deeply about sa Papaya, not only accessible sa kapitbahay, napakadami mo pang pwedeng gawin dito.
'O diba swak na swak sa bulsa, masustansya, naturally sweet, mayaman sa fiber at carbs —a great source of energy na magbibigay sa' yo ng fuel sa araw-araw na gawain. Ano pa hinihintay mo teh? Go na!
Summary
Tandaan po natin na ang Go food ay uri ng mga pagkain na nagbibigay satin ng fuel para on the go palagi at makapagconcentrate! At ang mga example na 'to ay ang mga hindi pangkaraniwang nababanggit ng ating mga guro.
10. Buto ng Pakwa
9. Taro
8. Bilo-bilo
7. Berries
6. Kalabasa
5. Barley
4. Buto ng Granada
3. Sushi
2. Steamed Dumplings
1. Papaya
Additional Tips Using Go food
According sa Community Health Network, pwede mo palitan ng mga good fats yung mga nakasanayan natin. Ito ang 5 tips mula sakanila.
- Palitan mo ang mantikang ginagamit mo sa panggigisa ng gulay, mag switch ka na sa "Olive Oil".
- Instead na butter naman para sa pangbi-bake, pwede ka naman gumamit ng avocado puree sis.
- Kapag ikaw naman ay mahilig sa steak, kumain ka nalang ng salmon dahil kahit sabihin natin swak sa protein ang beef, napakadami nitong unhealthy fats.
- Parehas sa ground beef, dabes ang tofu bilang alternative para dito.
- And lastly, iwasan na natin ang mga processed snacks at kumain nalang ng mga iba't ibang uri ng nuts.
If you love this blog, share it on social media, and I will continue to post more valuable and educational content to the Filipino people, "PILIPINAS LANG MALAKAS!"
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Kilalang Mga Post
KAHALAGAHAN NG WIKA | ITO ANG 7 NA RASON BAKIT MAHALAGA ITO
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
SOLICITATION LETTER FOR BASKETBALL | 2022 SAMPLE TAGALOG
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
salamat po sa mga examplessss nyo
TumugonBurahinsa wakas nakakita din ng iba pang example ng go food, thanks fpr this!
TumugonBurahinKahit ani
TumugonBurahinYun
TumugonBurahinKahit ano
TumugonBurahinNice
TumugonBurahinHahahahaha
TumugonBurahin